Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang buong suporta sa rehabilitasyon ng Marawi.
Ang pagtiyak ay inihayag ng kalihim kay Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation, Secertary Nasser Pangandaman Sr. sa pagbisita ng huli sa DND Headquarters sa Camp Aguinaldo.
Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, nagkasundo sila na paigtingin ang kooperasyon para sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa Marawi City.
Kung maaalala, sinimulan ang rehabilitasyon sa Marawi matapos ang iniwang malaking pinsala ng labanan sa lungsod sa pagitan ng mga teroristang grupo at tropa ng mga militar noong Oktubre ng taong 2017 na tumagal ng limang buwan. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of DND