Electoral process hindi dapat nahahaluan ng ‘drama’ dahil sa candidate substitution

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa pinuri nina Manila Rep. Bienvenido Abante at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang hakbang ng COMELEC na ipagpabawal na ang substitution dahil lang sa nag-withdraw ang isang kandidato

Ani Abante, hindi maganda ang kalakaran ng substitution.

Kung desidido aniya talaga tumakbo ang isang kandidato ay hindi ito dapat mag-urong-sulong.

Sabi pa niya, nakaka-abala rin sa pag-iimprenta ng balota ang paghihintay sa pinal na listahan ng mga kumpirmadong tatakbo sa eleksyon.

“Kampi ako dun, salamat naman at ginawa ng COMELEC ‘yan,…Tatakbo ka, tumakbo ka, ayaw mo tumakbo, ‘wag kang tatakbo, you see that? Kaya tumatagal itong paggawa ng official ballot natin dahil hinihintay natin yung magiging substitute nung nag-file ng candidacy. The thing is, salamat sa ginawa ng COMELEC na hindi na kinailangan hintayin ito. Totally tanggalin na yung substitution na ‘yan. Because sa akin that would not even do well with our people,” sabi ni Abante

Sa panig naman ni Adiong kailangan ilayo o protektahan ang electoral process sa mga taktika gaya ng substitution na dahil nagmumukha lang itong circus.

Nakakawala rin aniya ito ng respeto sa mga botante.

“I commend COMELEC for this development. We should insulate our electoral processes from any strategy or tactic that would appear as if we are holding a circus. Kasi sinosorpresa mo yung tao. Minsan sinasabi mo mag-e-election, tatakbo ka, tapos bigla-bigla na lang masosorpresa. I think it’s also part of respecting the electorate, ano? Their right to really be informed of who are the candidates who would run for an office,” ani Adiong.

Nito lang nakaraan ay pinagtibay ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform ang panukala na ipagbawal na ang substitution dahil lang sa pag-atras ng kandidato maliban na lang dahil sa permanent incapacity. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us