Gasoline subsidy, ipinamahagi sa mga mangingisda sa La Union

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinamahagi ng San Fernando City Agriculture Office ang gasoline subsidy na nagkakahalaga ng ₱511,755 sa mga rehistradong boat owners mula sa 11 barangay ng San Fernando City, La Union.

Ginanap ang distribusyon sa Dialysis Center sa Marcos Building ng lungsod.

Ang pamamahagi ay naaayon sa City Ordinance No. 2021-11 o ang “Gasoline Subsidy to Fishermen who own motorized boat ordinance,” na naglalayong mabigyan ng subsidiya ang mga mangingisdang nagmamay-ari ng motorized boat.

Nakasaad sa ordinansa na mapagkakalooban ng tig ₱6,000 gasoline subsidy bawat taon ang mga may-ari ng bangka.

Maaaring makatanggap ng halagang ₱500 kada buwan ang mga benepisyaryo kapag naibigay nila ang hininging requirements tulad ng gasoline receipt, fish catch report, at insurance application.| Ulat ni Glenda B. Sarac, Radyo Pilipinas Agoo

Photos: City Government of San Fernando

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us