Walang magaganap na “witch-hunt” sa gagawing imbestigasyon ng House Committee on Human Rights sa umano’y extrajudicial killings (EJK) na nangyari sa anti-illegal drug war ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay Manila Representative Bienvenido Abante, chair ng Komite, ayaw nilang magmukha na may sinisisi o hinuhusgahan sa gagawing pagdinig.
Kaya maging ang mga kapamilya ng sinasabing biktima ng EJK ay pinag pepresenta ng ebidensya upang maiwasang puro akusasyon lang.
“We would like to avoid witch hunting ano? Even those that have actually revealed yung mga naging biktima, we asked them to provide the data and proper documents. Para maiwasan natin na nag-a-accuse tayo nang walang batayan,” paliwanag ni Abante.
Una nang sinabi ni Abante na layon lang nilang tukuyin kung umiiral pa ba at kung nasunod ba ang due at legal process sa bansa.
Kasama sa maaaring ipatawag ang dating Police officials gaya ni dating PNP Chief Oscar Albayalde at dating miyembro ng gabinete ng Duterte administration.
“That the only purpose of the Committee on Human Rights is to be able to really find out the human rights violation on this, particularly because ang inaakusahan dito yung mga pulis natin, hindi naman yung mga ibang tao lang. So, ginawa ba ng ating Kapulisan ang dapat nilang gawin under the law tungkol sa mga bagay na ito? Tingnan nating maigi kung ano ba talagang nangyari,” ani Abante. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
#RP1News
#BagongPilipinas