Muling nag-abiso National Grid Corp of the Philippines na muling isasailalim sa red at yellow alert ang Luzon at Visayas grid ngayong araw.
Ito ay bunsod pa rin ng manipis na reserba ng kuryente.
Epektibo ang red alert sa Luzon Grid mula 2:00pm hanggang 4:00pm o tatagal ng dalawang oras habang isasailalim ito sa yellow alert mula sa mga ss na oras:
𝐘𝐞𝐥𝐥𝐨𝐰 𝐀𝐥𝐞𝐫𝐭
1:00PM-2:00PM
4:00PM-5:00PM
6:00PM-11:00PM
Ang Visayas Grid naman ay ilalagay sa yellow alert simula mamayang alas-2 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon at alas-6 ng gabi hanggang alas-7 ng gabi
Ito ay dahil sa maraming planta pa rin ang naka-forced outage habang ang iba ay tumatakbo na kapos ang kapasidad.
Natukoy naman na nasa 3.177.3 MW ang na unavailable ngayon sa Luzon grid habang 567.4 MW naman ang nawawala sa Visayas Grid. | ulat ni Merry Ann Bastasa