Umabot na sa 16,336 na pamilya o katumbas ng 51, 659 na indibidwal ang apektado ng Bagyong Aghon, base sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong umaga.
Mula ito sa 364 na barangay sa CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 7, Region 8 at NCR.
Sa naturang bilang 3,878 na pamilya o katumbas ng 14,816 indibidual ang kinakalinga sa 185 evaucation center, habang 1,585 families o 6,409 indibidual ang tinutulungan sa labas ng mga evacuation center.
Mahigit sa 4.1 milyong pisong halaga ng tulong ang naipamahagi na ng pamahalaan sa mga apektadong komunidad sa Calabarzon, Mimaropa, Regions 5 at 7, na kinabibilangan ng akomodasyon, transportasyon, family food packs, food assistance, hot meals, hygiene kits at mga “malong”.
Samantala, nananatili naman sa 1 ang kumpirmadong nasawi sa Region 10 at 1 ang nasaktan na konektado sa bagyo sa tala ng NDRRMC; habang 7 naman ang nasaktan sa Region 5 na binibiripka pa. | ulat ni Leo Sarne