Lagpas na sa 12-libong pamilya ang apektado ng bagyong “Aghon” base sa huling taya ngayong araw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Katumbas ito ng mahigit 36-libong indibidual na naninirahan sa 268 barangay sa Calabarzon, Mimaropa, Regions 5, 7, 8, at National Capital Region (NCR).
Sa bilang na ito 4,076 pamilya o 16,426 indibidual ang kinakalinga sa 161 evacuation center, habang 1,245 pamilya o 5,614 indibidual ang tumatanggap ng tulong sa labas ng mga evacuation center.
Kinumpirma din ng NDRRMC ang pagkamatay ng isang indibidual sa Region 10 at isang sugatan; habang patuloy pang bineberipika ang 7 iniulat na sugatan sa Region 5.
Halos 3.7 milyong pisong halaga ng tulong na ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong mamayan sa Calabarzon, Mimaropa, Region 5 at 7. | ulat ni Leo Sarne