Ipinauubaya na ng mga House members sa bagong liderato ng Senado ang pag-aksyon sa panukalang amyenda sa Rice Tarrification Law o RTL.
Ito ang inihayag ng ilang kongresista kasunod ng pagpasa ng RTL sa Kamara.
Sa daily press briefing sa Kamara, sinabi ni Iloilo 5th District Rep. Raul “Boboy” Tupaz, nagawa na ng House of Representative ang kanilang trabaho sa hangaring i-restore ang price stability ng bigas at ilipat nang muli ang supply regulations sa National Food Authority (NFA) at hinihintay na lamang ang pag-apruba ng Senado.
Umaasa naman si Davao Oriental Rep. Cheeno Almario na sa pagpapalit ng liderato ay maisusulong agad ang priority legislations at magbibigay daan sa maayos na pagtra-trabaho ng dalawang kapulungan ng Kongreso para sa ikauunlad ng mga Pilipino.
Nagbigay naman ng paalala si Bataan Rep. Geraldine Roman na kailangan na sa ngayon ang mabilisang pag-aksyon sa RTL upang maibsan ang mataas na presyo ng bigas sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes