Matagumpay ang paglalagay ng symbolic markers o buoy na may katagang “WPS Atin ito” sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Ang aktibidad ay isinagawa ng Atin Ito Coalition, kasabay ng ikalawang civilian supply mission ng naturang grupo patungo sa Bajo de Masinloc shoal.
Ayon sa organizer ng Atin Ito Coalition, naging matagumpay din ang kanilang pagsasagawa ng peace and solidarity regatta na binubuo ng limang Civilian marine vessels, at 100 maliliit na bangka.
Habang namahagi rin ang nasabing sibilyang grupo kasama ang iba pang volunteers ng mga donasyong supply tulad ng langis at food packs sa mga Pilipinong mangingisdang pumapalaot sa karagatan.
Bandang alas-6 ng umaga bukas inaasahang makakarating sa Bajo de Masinloc shoal ang mga banka ng Atin ito Coatlition. | ulat ni Leo Sarne