Panukalang amyenda sa Government Procurement Act, aprubado na ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa botong 23 na senador ang pabor, walang tutol, at walang abstention, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 2593 o ang panukalang amyenda sa Government Procurement Act.

Dahil sertipakado bilang urgent bill, agad itong naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa pagkasarado ng period ng amendments at pagkapasa nito sa ikalawang pagbasa.

Sa sesyon kahapon, si dating Senate Committee on Finance Chair Senador Sonny Angara pa rin ang nanguna sa pag-amyenda sa Government Procurement Reform Act (GPRA) Bill hanggang sa ganap itong maaprubahan.

Una nang ipinaliwanag ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na pinakiusapan niya si Angara na tapusin muna ang panukala bilang pet bill niya ito.

Nagbigay daan rin muna si Escudero kay dating Senate President Juan Miguel Zubiri para mag-preside sa pagpapasa ng panukala dahil sa ilalim ng liderato nito tinalakay ang pag-amyenda sa Procurement Law.

Inaasahang makatutulong ang panukalang Government Procurement Reform Act (GPRA) na mas mapabilis at mas mapahusay ang procurement process sa pamahalaan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us