Inanunsyo ng Toll Regulatory Board (TRB) na tataas ang singil sa toll ng North Luzon Expressway (NLEX) simula sa Hunyo a-4.
Ayon kay TRB Spokesperson, Julius Corpus, ito ang ikalawa at huling tranche ng inaprubahang toll rate adjustment.
Para sa open system mula Balintawak sa Caloocan City hanggang Marilao sa Bulacan, Php 5 ang dagdag toll para sa class 1 vehicle, Php 14 naman para sa class 2 at Php 17 para sa class 3.
Para naman sa closed system mula Bocaue sa Bulacan at Sta. Ines sa Mabalacat City sa Pampanga kasama ang Subic-Tipo ay iiral ang per kilometer rates.
Mula Marilao North patungong Sta. Ines ay nasa Php 21 ang dagdag singil sa toll para sa class 1, Php 54 para sa class 2 at Php 65 para naman sa class 3 vehicles.
Habang sa Subic-Tipo naman ay Php 2 ang dagdag toll para sa class 1, Php 7 para sa class 2 at Php 8 para sa class 3.
Para naman sa end-to-end point sa pagitan ng Metro Manila at Mabalacat City sa Pampanga ay Php 27 ang dagdag toll para sa class 1, Php 68 para sa class 2 at Php 81 para sa class 3 vehicles.
Binigyang diin pa ni Corpus, dumaan sa regulatory procedures at review ang dagdag na singil sa toll ng NLEX.
Matatandaan na ipinatupad ang unang tranche ng dagdag singil sa toll sa NLEX noong Mayo a-25 ng nakalipas na taon. | ulat ni Jaymark Dagala