Pinagpaliban na muna ng Commission on Appointments (CA) Committee on Labor, Employement, Social Welfare and Migrant Workers ang pagtalakay sa appointment ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.
Sa naging pagdinig ng kumite ngayong araw, nagmosyon si Congressman Rodante Marcoleta na i-defer muna ang pagdinig dahil sa kakulangan ng oras.
Nilinaw naman ni Senate President at CA Chairman Francis ‘Chiz’ Escudero na hindi pa matatawag na bypassed ang appointment ni Cacdac dahil hanggang bukas pa ang sesyon ng Kongreso.
May posibilidad pa rin naman aniyang mai-schedule ng CA hearing si Cacdac bukas depende sa magiging availability ng mga kongresistang miyembro ng CA.| ulat ni Nimfa Asuncion