Nagsagawa ng Special Voters Registration ang Commission on Elections (COMELEC) para sa Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame ngayong araw.
Bahagi ito ng “Register Anywhere Program” ng Poll Body para sa 2025 mid Term Elections.
Layon nito na gawing mas kumbinyente ang pagpaparehistro ng mga bagong botante, at mga botante na nawala sa listahan dahil sa hindi nakaboto sa nakalipas na dalawang halalan.
Para sa mga pulis at kanilang pamilya, maaring magtungo sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) sa New RMD Building sa Camp Crame ngayong araw hanggang bukas, simula alas otso ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Ang PNP ay bahagi ng election frontliners na kuwalipikado sa Local Absentee Voting bilang sila ang naatasang maging katuwang sa pagtitiyak ng seguridad at kaligtasan sa halalan. | ulat ni Leo Sarne