Suspension Order vs 72 NFA personnel, inalis na rin ng Ombudsman

Facebook
Twitter
LinkedIn

Karagdagang mga tauhan ng National Food Autho­rity (NFA) ang makakabalik na sa trabaho matapos bawiin ng Ombudsman ang suspension order sa mga ito.

Sa inilabas na kautusan ni Ombudsman Samuel Martires na may petsang May 10, lifted na rin ang suspensyon sa 72 tauhan ng NFA na mayorya ay mga warehouse supervisor.

Kabilang sa maaari nang makabalik sa trabaho ang Warehouse Supervisors mula sa Region III, Region IV-A, MIMAROPA, Region V, Region VI, Region VII, Region IX, Region X, Region XII, Region XIII, at BARMM.

Ayon sa Ombudsman, hindi na kailangang suspendihin ang mga ito dahil hawak na rin naman nito ang mga dokumento at ebidensyang kanilang kinakailangan na may kaugnayan sa imbestigasyon.

Kaugnay nito, inabisuhan na ng Ombudsman si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel para agad na maipatupad ang reinstatement ng mga ito.

Dahil naman dito, nasa higit 40 tauhan na lamang ng NFA ang nananatiling suspendido dahil sa umano’y paluging bentahan ng rice buffer stock sa mga trader.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us