DMW, nagtalaga ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Migrant Workers’ Day

Naglatag ng iba’t ibang aktibidad ang Department of Migrant Workers (DWM) ngayong linggo bilang bahagi ng selebrasyon ng Migrant Workers’ Day sa June 7. Layon ng pagdiriwang na ito na bigyang-pugay at pasalamatan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang mga sakripisyo at kontribusyon sa pag-unlad ng bansa. Kabilang sa mga aktibidad na inihanda… Continue reading DMW, nagtalaga ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Migrant Workers’ Day

Bilang ng mga pampublikong sasakyan, sapat matapos ang deadline ng ‘jeepney consolidation,’ ayon sa DOTr

Isang buwan matapos ang deadline ng ‘jeepney consolidation,’ sapat pa rin ang kapasidad ng mga pampublikong sasakyan para sa mga pasahero. Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista. Ayon kay Secretary Bautista, nasa 80% ng mga operator at tsuper ay nakasama na sa mga kooperatiba o korporasyon bilang bahagi ng PUV Modernization Program… Continue reading Bilang ng mga pampublikong sasakyan, sapat matapos ang deadline ng ‘jeepney consolidation,’ ayon sa DOTr

Pulis na driver ng colorum na van, huli sa operasyon ng DOTr-SAICT sa Sampaloc Manila

Huli sa ikinasang operasyon ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ang isang driver ng colorum na ilegal na bumibiyahe sa Sampaloc, Manila kaninang umaga. Batay sa report ng SAICT, nang mahuli ang driver ng colorum na van napag-alaman na siya ay isang pulis na malapit ng magretiro sa serbisyo. Makikita… Continue reading Pulis na driver ng colorum na van, huli sa operasyon ng DOTr-SAICT sa Sampaloc Manila

Digital services ng Quezon City, mas accessible at PWD-friendly

Binigyan ng Website Accessibility Certification ng Adaptive Technology for Rehabilitation, Integration, and Empowerment of the Visually Impared, Inc. (ATRIEV) ang Quezon City Government website. Ayon sa LGU, kinilala ng ATRIEV ang QC Government website(https://quezoncity.gov.ph) matapos na makapasa sa web accessibility audit at maabot ang pamantayan sa pagbuo ng de-kalidad, accessible, at user-friendly website. Naglagay din… Continue reading Digital services ng Quezon City, mas accessible at PWD-friendly

Office of the Vice President, nagsagawa ng simultaneous tree planting activity sa Pateros

Bilang bahagi ng programang PagbaBAGo: A Million Trees Campaign, nagsagawa ng simultaneous tree planting activity ang Office of the Vice President (OVP) sa Pateros. Umabot sa 150 na puno ang naitanim ng mga kawani ng OVP sa limang planting sites kabilang ang Aguho Elementary School, P. Manalo Elementary School, Pateros Elementary School, at Pateros Linear… Continue reading Office of the Vice President, nagsagawa ng simultaneous tree planting activity sa Pateros

Higit sa ₱10.2-M halaga ng smuggled cigarettes, nasabat ng Philippine Navy sa karagatan ng Sulu

Nahuli ng 1st Boat Attack Division, sa ilalim ng Naval Task Force 51 ng Naval Forces Western Mindanao (NavForWem), ang isang motor banca na may kargang higit sa ₱10.2-million halaga ng smuggled cigarettes. Ang sasakyang-dagat ay nahuli ng mga tropa ng Attack Division sa karagatan ng Mauboh sa Patikul sa lalawigan ng Sulu. Dinala ng… Continue reading Higit sa ₱10.2-M halaga ng smuggled cigarettes, nasabat ng Philippine Navy sa karagatan ng Sulu

Pagbibigay ng scholarship sa mga estudyante upang mahimok na pumasok sa pangingisda, dapat pang palakasin ayon sa isang mambabatas

Pinayuhan ngayon ni House Committee on Aquaculture and Fisheries Chair Bryan Yamsuan ang pamahalaan na makipagtulungan sa mga congressional district, upang mas maraming estudyante ang mahimok na pumasok sa aquaculture at fisheries sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship. Ayon kay Yamsuan, nakakabahala ang aging o tumatandang populasyon ng mga mangingisda sa bansa. Batay sa datos… Continue reading Pagbibigay ng scholarship sa mga estudyante upang mahimok na pumasok sa pangingisda, dapat pang palakasin ayon sa isang mambabatas

Mga magsasaka na kalahok ng Rice Farming program sa Pampanga, pinagkalooban ng pondo ng NIA

Matagumpay na naipamahagi ng National Irrigation Administration Pampanga-Bataan Irrigation Management Office ang unang tranche ng pondo para sa mga magsasaka sa Pampanga. May kabuuang  44 na magsasaka mula sa Barangay San Pedro San Juan (Timak), San Simon Farmers and Irrigators Association Inc., at First San Pedro San Simon Irrigators Association ang benepisyaryo ng programa. Kalahok… Continue reading Mga magsasaka na kalahok ng Rice Farming program sa Pampanga, pinagkalooban ng pondo ng NIA

Anti-Discrimination bill, mas mataas ang tiyansang makapasa sa Senado ngayong taon – SP Chiz Escudero

Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na magiging mas mataas ang tiyansa na makapasa na ngayong taong ito ang Anti-Discrimination bill. Ito ang ipinunto ng Senate President bilang tugon sa panawagn ng United Nations Population Fund (UNFPA) na aprubahan na ang SOGIESC bill. Paglilinaw ni Escudero, magkaiba ang Anti-Discrimination bill mula sa SOGIESC (sexual orientation,… Continue reading Anti-Discrimination bill, mas mataas ang tiyansang makapasa sa Senado ngayong taon – SP Chiz Escudero

Libreng konsultasyon at serbisyong medikal, handog ng DMW sa OFWs bilang bahagi ng selebrasyon ng Migrant Workers Day

Bilang pagpupugay sa mga sakripisyo ng mga overseas Filipino worker (OFW). Maghahandog ng libreng konsultasyon at serbisyong medikal ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga OFW at kanilang pamilya sa pamamagitan ng OFW Hospital. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Migrant Workers Day na isasagawa sa DMW Head Office sa Mandaluyong City simula June… Continue reading Libreng konsultasyon at serbisyong medikal, handog ng DMW sa OFWs bilang bahagi ng selebrasyon ng Migrant Workers Day