Halos P800-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng PDEG sa buwan ng Mayo

Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) ang 795 milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa buwan ng Mayo. Ayon kay PDEG Director Police Brig. Gen. Eleazar Matta, ang nakumpiskang droga ay kinabibilangan ng5,644 gramo ng shabu, 3,132,300 winasak na tanim ng marijuana, 500 marijuana seedlings, 1,090,000 dahon ng marijuana, at 3,000 gramo ng… Continue reading Halos P800-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng PDEG sa buwan ng Mayo

Hindi mainom na tubig na sinusuplay ng Maynilad sa ilang customers, iniimbestigahan na ng MWSS Regulatory Office

Iniimbestigahan na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office ang mga reklamo ng malabo at hindi mainom na tubig na isinusuplay ng water concessionaire na Maynilad sa ilang customers nito. Sa gitna ito ng ipinatutupad ngayong adjustments sa treatment plants ng Maynilad sa Muntinlupa na nagresulta sa hindi magandang kalidad ng tubig. Kabilang… Continue reading Hindi mainom na tubig na sinusuplay ng Maynilad sa ilang customers, iniimbestigahan na ng MWSS Regulatory Office

DA, nakatutok pa rin sa pagkamit ng target na produksyon ng palay ngayong 2024

Nananatili pa rin ang target ng Department of Agriculture na maabot ang 20.44 milyong metriko toneladang produksyon ng palay ngayong 2024. Ayon kay DA Usec for Rice Industry Development Christopher Morales, kumpiyansa pa rin silang maaabot ang naturang target sa tulong ng mga ipinatutupad na mekanismo ng kagawaran para mapaangat ang produksyon ng bigas. Kabilang… Continue reading DA, nakatutok pa rin sa pagkamit ng target na produksyon ng palay ngayong 2024

2 OFW na nasa death row sa Brunei, nasa maayos na kalagayan ayon sa DMW

Puspusan nang sinisikap ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapalaya sa lalong madaling panahon sa 2 Overseas Filipino Worker (OFW) na kasalukuyang nasa death row sa Brunei. Ayon kay DMW Sec Hans Leo Cacdac, sa ngayon aniya ay nasa maayos na kalagayan ang 2 OFW. Isa sa mga ito ay si Edgar Puzon na… Continue reading 2 OFW na nasa death row sa Brunei, nasa maayos na kalagayan ayon sa DMW

PBBM, matagumpay na nailahad sa Shangri-La Dialogue ang interes ng PH

Matagumpay na nailahad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang interes ng Pilipinas sa ginawa nitong pagsasalita sa nakaraang Shangri-La Dialogue kung saan ay natalakay ang isyu ng West Philippine Sea. Ito ang sinabi ni retired rear admiral Rommel Jude Ong na ngayo’y Professor of Praxis ng Ateneo De Manila University School of Government. Importante… Continue reading PBBM, matagumpay na nailahad sa Shangri-La Dialogue ang interes ng PH

Local Amnesty Board Members, nanumpa sa MalacaƱang

Sinaksihan ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. at National Amnesty Commission (NAC) Chairperson Leah C. Tanodra-Armamento ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong miymebro ng mga Local Amnesty Board (LAB). Ang mga miyembro ng 9 na naitatag na Local Amnesty Board mula sa National Capital Region (NCR), Iloilo City, Bacolod City, Davao City,… Continue reading Local Amnesty Board Members, nanumpa sa MalacaƱang

Dalawang custodial officer ng SJDM Police, sinibak matapos matakasan ng 8 preso

Agarang sinibak sa pwesto ang dalawang duty custodial officer ng San Jose Del Monte Police Station matapos matakasan ng 8 preso kahapon ng madaling araw. Ayon kay Police Master Sergeant Rod Pating, imbestigador sa kaso, kasalukuyang nasa admin holding facility ng SJDM police ang 2 pulis na ang ranggo ay isang Police Master Sergeant at… Continue reading Dalawang custodial officer ng SJDM Police, sinibak matapos matakasan ng 8 preso

Zelenskyy, pinasalamatan ang Pangulo sa paglahok sa defense summit sa Singapore

Personal na nagpaabot ng kaniyang pasasalamat si Ukraine President Volodymyr Zelenskyy kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng naging pakikilahok nito sa katatapos lang na defense summit sa Singapore. Sa kanilang bilateral meeting, sinabi ni Zelenskyy na isang matibay na senyales at hakbang ang naging partisipasyon ng Pangulo sa okasyon tungo sa kapayapaan. Sa… Continue reading Zelenskyy, pinasalamatan ang Pangulo sa paglahok sa defense summit sa Singapore

Bawas toll fee sa mga truck na naghahatid ng mga produktong agrikultural, hindi pa ramdam

Nananatiling malikot ang presyuhan ng mga agricultural product sa mga pamilihan. Sa Agora Public Market sa San Juan City, naglalaro sa Php 10 hanggang Php 40 ang itinaas ng kada kilo ng ilang gulay lalo na iyong mga galing ng norte. Subalit may ilan namang gulay na bumaba ng hanggang Php 30 ang kada kilo.… Continue reading Bawas toll fee sa mga truck na naghahatid ng mga produktong agrikultural, hindi pa ramdam

Mga empleyado ng Sofitel Hotel, humihingi ng Dialogue sa management

Kinwestyon ng mga empleyado ng Sofitel Hotel ang biglaang anunsyo ng pagsasara ng naturang establisyemento. Sa isang pulong balitaan sa Maynila, sinabi inyong ng mga manggagawa, kaduda-duda ang hakbang na ito ng Sofitel Hotel gayong hindi naman nalulugi ang kompanya. Hindi rin sila naniniwala na renovation lamang ang pakay ng management kung kayat isasara ang… Continue reading Mga empleyado ng Sofitel Hotel, humihingi ng Dialogue sa management