Mambabatas, pinatitiyak sa Philippine Navy na protektahan ang mga mangingisda sa WPS pagsapit ng June 15

Pinasisiguro ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Philippine Navy na tutuparin nito ang pangako na poprotektahan ang mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS) oras na simulang ipatupad ng China ang polisiya nito na manghuli at idetine ang mga trespassers sa inaangkin nilang teritoryo sa June 15. Giit ni Villafuerte, dapat ay palakasin… Continue reading Mambabatas, pinatitiyak sa Philippine Navy na protektahan ang mga mangingisda sa WPS pagsapit ng June 15

Posibleng pagkukulang ng BFAR para suportahan ang mga mangingisda sa WPS, pinasisilip

Nananawagan si Zambales 1st District Representative Jay Khonghun para sa isang Congressional Inquiry, ukol sa mga umano’y pagkukulang ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makapagbigay ng angkop na bangka at suporta sa mga mangingisda sa West Philippine Sea. Kasunod ito ng mga reklamo sa mga fishing community dahil sa hindi akma ang… Continue reading Posibleng pagkukulang ng BFAR para suportahan ang mga mangingisda sa WPS, pinasisilip

OCD, nagpadala ng water filtration truck at 7-man Rapid Deployment Team sa Negros Occidental bilang suporta sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Inaasahang darating ngayong araw ang ipinadalang Water Filtration Truck kasama ang 7-man Rapid Deployment Team ng Office of Civil Defense (OCD) sa Negros Occidental. Ito’y bilang pagpapakita ng suporta ng pamahalaan sa nagpapatuloy na disaster response operations partikular na sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon. Ayon kay OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, noong… Continue reading OCD, nagpadala ng water filtration truck at 7-man Rapid Deployment Team sa Negros Occidental bilang suporta sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Red Cross, naghatid ng malinis na tubig sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon lalo na iyong mga nananatili pa rin sa evacuation centers. Kahapon, ipinadala ng PRC Negros Occidental-Bacolod City Chapter ang kanilang WASH Team sa pamamagitan ng kanilang water tanker na naglalaman ng 8,300 litro ng malinis na tubig.… Continue reading Red Cross, naghatid ng malinis na tubig sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island

Philippine Navy, sinegundahan ang NSC na ‘absurd’ ang pahayag ng China na dapat ipagpaalam ang ‘access’ sa Ayungin Shoal

Sinegundahan ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad ang pahayag ng National Security Council (NSC) na “absurd” ang sinabi ng Chinese Foreign Ministry na kailangang magpaalam ang Pilipinas sa China bago pumasok sa Ayungin Shoal. Ayon kay Trinidad, walang karapatan na mag-demand ng anuman ang China pagdating sa Ayungin… Continue reading Philippine Navy, sinegundahan ang NSC na ‘absurd’ ang pahayag ng China na dapat ipagpaalam ang ‘access’ sa Ayungin Shoal

Uniporme ng HPG riders, may bagong disenyo pangontra sa ‘moonlighting’

Naglabas ng bagong disenyo ng uniporme ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) para sa kanilang mga motorcycle rider upang madaling matukoy ang mga sangkot sa iligal na pag-escort ng mga VIP. Ayon kay HPG Director, Police Brig. Gen. Jay Cumicad, ang naturang hakbang ang tugon ng kanilang tanggapan sa utos ni PNP Chief General… Continue reading Uniporme ng HPG riders, may bagong disenyo pangontra sa ‘moonlighting’

Pangulong Marcos, pangungunahan ang inagurasyon ng pinakamalaking solar-powered irrigation project ng NAIA

Nakatakdang buksan ngayong araw ang pinakamalaking solar-powered irrigation pump (SPIP) ng National Irrigation Administration (NIA) sa buong bansa, kasabay ng pagbisita ni Pres. Ferdinand R. Marcos, Jr. sa lalawigan ng Isabela. Pangungunahan ng Pangulo ang inagurasyon ng P65.7 Million na halaga ng SPIP na matatagpuan sa Barangay Cabaruan, sa bayan ng Quirino. Ang Cabaruan SPIP… Continue reading Pangulong Marcos, pangungunahan ang inagurasyon ng pinakamalaking solar-powered irrigation project ng NAIA