Lindol sa mga bayan ng Roxas, Narra, at Cuyo sa Palawan, iniulat ng PHIVOLCS

Nakaranas ng lindol o “tectonic earthquake” ang Lalawigan ng Palawan sa bahagi ng mga Munisipyo ng Roxas, Cuyo, at Narra. Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang pagyanig kaninang 2:58 ng hapon, June 11, 2024. Umabot sa 5.1 ang magnitude ng lindol, habang nasa intensity 3 ang Roxas at… Continue reading Lindol sa mga bayan ng Roxas, Narra, at Cuyo sa Palawan, iniulat ng PHIVOLCS

Kasunduan para sa pagsasaayos ng Corcuera Port Development Project, nilagdaan na

Lumagda sa kasunduan ang Department of Transportation (DOTr) at Lokal na Pamahalaan ng Corcuera, Romblon para sa pagsasaayos at pagpapaunlad ng Corcuera Port. Layon ng Corcuera Port Development Project na gawing mas ligtas, komportable, at maayos ang pantalan para sa mga pasahero at transportasyon ng mga produkto. Ayon kay Transportation Undersecretary for Maritime Elmer Francisco… Continue reading Kasunduan para sa pagsasaayos ng Corcuera Port Development Project, nilagdaan na

Pagpapatayo ng pabahay project sa Rodriguez Rizal, uumpisahan na – DHSUD

Itatayo na sa bayan ng Rodriguez sa Rizal ang proyektong” Pabahay sa Bagong Montalban”. Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), gagawin ito sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Target na itayo ang pitong five-story building sa Pahati Compound, Barangay Burgos. Aabot sa… Continue reading Pagpapatayo ng pabahay project sa Rodriguez Rizal, uumpisahan na – DHSUD

“Ten-dash line ng China”, ugat ng lahat ng tensyon sa WPS – Sec. Teodoro

Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. speaks before a recent DND event. Presidential Communications Office

Tinukoy ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro bilang ugat ng lahat ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS) ang “ten-dash line” ng China na umaangkin sa buong karagatan. Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na ang “ten-dash line” ng China ang tunay na “provocation”, na itinatago ng China sa pamamagitan ng pagpapalutang… Continue reading “Ten-dash line ng China”, ugat ng lahat ng tensyon sa WPS – Sec. Teodoro

Farmers group sa Sorsogon, binigyan ng PORTASOL dryers ng DOST

Inaasahang magpapataas sa produksiyon ng bigas ang mga Portable Solar (PORTASOL) dryer na ipinamahagi sa mga magsasakang benepisyaryo at miyembro ng Agro-Aquatic Development Cooperative sa Sorsogon. Binigyang diin ng Department of Agrarian Reform (DAR), na magpapataas sa rice production ang walong set ng portable solar dryers na nagkakahalaga ng P292,000. Ang nasabing kagamitan ay ipinagkaloob… Continue reading Farmers group sa Sorsogon, binigyan ng PORTASOL dryers ng DOST

Panibagong miyembro ng ‘Luffy’ gang, pina-deport ng BI

Pinaalis na ng Bureau of Immigration sa bansa pabalik ng Japan ang isang lalaking Hapon na pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na “Luffy’ gang. Ang naturang grupo ay isinasangkot sa maraming kaso ng pagnanakaw at panloloko sa kanilang bansa. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang 54-taong gulang na si Takayuki Kagoshima at ang team ng… Continue reading Panibagong miyembro ng ‘Luffy’ gang, pina-deport ng BI

Posibilidad na ‘national threat’ ang POGO sa bansa, pinag-aaralan ng AFP

Pinag-aaralan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung maikukunsiderang banta sa pambansang seguridad ang mga Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa. Ito’y sa gitna ng sunod-sunod na natutuklasang iligal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga POGO, kung saan ang pinakahuli ay ang nadiskubre sa 10 hektaryang POGO sa Porac, Pampanga. Sa pulong balitaan… Continue reading Posibilidad na ‘national threat’ ang POGO sa bansa, pinag-aaralan ng AFP

Pagtatatag ng eBOSS ng Baguio City LGU, pinuri ng ARTA

Pinuri ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Pamahalaang Lungsod ng Baguio sa pagtatatag ng ganap na automated Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS). Ang hakbang ng pamahalaang lungsod ay tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagbutihin ang bureaucratic efficiency at kadalian ng pagnenegosyo o East of Doing Business sa mga lokalidad. Ang… Continue reading Pagtatatag ng eBOSS ng Baguio City LGU, pinuri ng ARTA

NACC, patuloy ang pakikipagtulungan sa PNP kaugnay ng bentahan ng bata online

Pinaigting pa ng National Authority for Child Care (NACC) ang pakikipagtulungan nito sa Philippine National Police para tuluyan nang masawata ang bentahan ng bata online. Ayon kay NACC Usec. Janella Estrada, nakipagpulong na ito sa hanay ng PNP Cybercrime Investigation and Coordinating Center para matutukan ang mga nagkalat na facebook pages na naglalako ng bata.… Continue reading NACC, patuloy ang pakikipagtulungan sa PNP kaugnay ng bentahan ng bata online

Mindanao solon, nanawagan kay PBBM na lagdaan na ang Maritime Zones Bill

Umapela si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lagdaan na ang panukalang Maritime Zones Bill upang mas mapalakas ang posisyon ng Pilipinas laban sa agresibong aktibidad ng China sa West Philippine Sea. Giit ni Rodriguez, oras na maging ganap itong batas ay mas maigigiit ng Pilipinas ang ating… Continue reading Mindanao solon, nanawagan kay PBBM na lagdaan na ang Maritime Zones Bill