Pertusis outbreak sa isang ng Socorro, Surigao del Norte, nabigyan ng agarang tulong ng DSWD Caraga

Pertussis outbreak, naitala sa mga residente ng Sitio Kapihan, Sering, Socorro, Surigao Del Norte. Agad naman itong tinugunan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga at ipinadala sa lugar ang Social Welfare and Development (SWAD) upang magbigay tulong sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS. Apat… Continue reading Pertusis outbreak sa isang ng Socorro, Surigao del Norte, nabigyan ng agarang tulong ng DSWD Caraga

Patuloy na suporta sa mga magsasaka, siniguro ni Speaker Romualdez

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez sa mga magsasaka sa lalawigan ng Quezon na tuloy-tuloy na suporta at pagbibigay ng benepisyo ng pamahalaan. Sa kanyang pagharap sa Agriculture Convergence Event na ginanap sa Tiaong, Quezon, ipinakita rin ni Speaker Romualdez ang mataas na pagtingin nito sa mga magsasaka. Paglalahad ng House leader, pinagtutulungan ng mga ahensya… Continue reading Patuloy na suporta sa mga magsasaka, siniguro ni Speaker Romualdez

DSWD, naglabas pa ng dagdag na pondo para sa Project LAWA, BINHI partner-beneficiaries sa Negros Occidental

Aabot sa Php 5,760,000 pondo ang inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa partner-beneficiaries ng Project Local Adaptation to Water Access (LAWA) and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished (BINHI) sa San Carlos City, Negros Occidental. Ayon sa DSWD-Region 6, may kabuuang 640 partner-beneficiaries mula sa mga barangay Codcod,… Continue reading DSWD, naglabas pa ng dagdag na pondo para sa Project LAWA, BINHI partner-beneficiaries sa Negros Occidental

High-speed response boat, inilunsad ng PCG sa Cagayan

Inilunsad ng Coast Guard District sa North Eastern Luzon (CGDNELZN) ang dalawang bagong high-speed response boat na sinasabing magpapalakas ng kanilang operasyon sa pag-rescue. Sa isang seremonya nitong linggo, ipinakilala ang dalawang bagong high-speed response boats na HSRB-017 at 018 sa pangunguna nina Commander Coast Guard na si Captain Ludovico Librilla Jr. at Secretary Katrina… Continue reading High-speed response boat, inilunsad ng PCG sa Cagayan

Ranggo ng Pilipinas sa Global Gender Gap Report, inaasahang mas bubuti kung maipapasa ang Divorce Law

Tinuran ngayon ni Albay Rep. Edcel Lagman na magreresulta ang pagsasabatas ng Divorce Bill sa mas magandang ranggo ng Pilipinas sa Global Gender Gap Report. Ayon sa pangunahing author ng panukala, ang pro-woman bill ay pupunan ang gender gap at makatutulong sa pagkamit ng gender parity. Mabibigyan kasi aniya ng pagkakataon ang mga inabusong mga… Continue reading Ranggo ng Pilipinas sa Global Gender Gap Report, inaasahang mas bubuti kung maipapasa ang Divorce Law

Mga inhinyero, hinikayat ni Speaker Romualdez na tulungan ang pamahalaan sa pagtatayo ng mga inklusibong imprastraktura

Kinilala ni Speaker Martin Romualdez ang malaking ambag ng Philippine Institute of Civil Engineers sa pagpapaunlad ng imprastraktura sa Pilipinas. Kasabay nito, nanawagan din ang lider ng Kamara sa mga inhinyero na tulungan ang pamahalaan na magkaroon ng isang inclusive at accessible na imprastraktura sa bansa na mapapakinabangan ng lahat ng Pilipino. “In ensuring a… Continue reading Mga inhinyero, hinikayat ni Speaker Romualdez na tulungan ang pamahalaan sa pagtatayo ng mga inklusibong imprastraktura

AFP, hinimok ang mga mangingisda na huwag matakot maglayag sa WPS sa gitna ng bantang panghuhuli ng China

Muling tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang seguridad ng mga mangingisda sa West Philippine Sea. Inihayag ito ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ngayong simula na ang planong panghuhuli ng China sa mga dayuhang papasok sa inaangkin nilang teritoryo na sakop ng Pilipinas. Sinabi ni Brawner na wala raw… Continue reading AFP, hinimok ang mga mangingisda na huwag matakot maglayag sa WPS sa gitna ng bantang panghuhuli ng China

Pilipinas, pormal nang nagsumite sa UN ng claim nito sa extended continental shelf sa WPS

Pormal nang nagsumite ng claim sa United Nations ang Pilipinas para iparehistro ang pinalawak na continental shelf o extended continental shelf (ECS) nito sa Western Palawan sa West Philippine Sea. Isinagawa ang pagsusumite ng claim ng bansa sa pamamagitan ng Philippine Mission sa UN sa New York nitong ika-14 ng Hunyo na naglalayong masiguro ang… Continue reading Pilipinas, pormal nang nagsumite sa UN ng claim nito sa extended continental shelf sa WPS

NHA, magtatayo ng 100 housing units sa Pantukan,Davao de Oro

Nakatakda nang magpatayo ng 100 housing units ang National Housing Authority (NHA) para sa informal settler families sa Pantukan, Davao de Oro. Ipinagkaloob na ng NHA ang Php 15 Million initial tranche ng Php 25 Million pondo para sa konstruksyon ng Bag-ong Pantukan Village. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, target ng ahensya na… Continue reading NHA, magtatayo ng 100 housing units sa Pantukan,Davao de Oro

Road reblocking sa EDSA Southbound sa Pasay City, sinimulan na ng DPWH

Pansamantalang isasara ng Department of Public Works and Highways-South Manila District Engineering Office (DPWH-SMDEO) ang gitnang lane ng EDSA Southbound mapalit sa L. Woods Street sa Pasay City para magbigay daan sa isinasagawang reblocking. Nagsimula ang pagsasara sa nasabing kalsada alas-10:00 kagabi, June 14 at inaasahang magtatapos ng alas-5:00 ng umaga ng June 17. Ayon… Continue reading Road reblocking sa EDSA Southbound sa Pasay City, sinimulan na ng DPWH