Pinaigting pa ng Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG) ang kanilang kampaniya laban sa illegal protection activities sa bansa.
Ito’y matapos ipagharap ng reklamo sa Taguig City Prosecutor’s Office ang dalawang protection agent na una nang naaresto dahil sa paglabag nila sa Republic Act 11917 ang “Private Security Service Industry Act.”
Ayon sa CSG, naaresto ang dalawang ahente dahil sa iligal nitong pagbibigay ng serbisyo sa isang Filipino-Chinese businessman sa Bonifacio Global City sa Taguig kasunod ng ikinasang operasyon ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA).
Nakumpiska ng SOSIA sa mga naaresto ang gamit nilang baril, mga bala, at magasin.
Bukod sa dalawang naarestong protection agent, sabit din sa kaso ang licensee ng isang Protective and Detective Agency. | ulat ni Jaymark Dagala