DMW, tiniyak na nasa ligtas nang kalagayan ang Filipino seafarers na sakay ng MV Transworld Navigator na inatake ng grupong Houthi sa Red Sea

Tiniyak ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ligtas ang 27 mga tripulanteng Pilipino na sakay ng MV Transworld Navigator matapos ang pag-atake ng Houthi sa Red Sea. Ayon kay Secretary Cacdac, bagamat tatlong beses na pinuntirya ng missile ng Houthi, hindi napuruhan ang barko at ligtas ang lahat ng mga Filipino seafarer. Sa… Continue reading DMW, tiniyak na nasa ligtas nang kalagayan ang Filipino seafarers na sakay ng MV Transworld Navigator na inatake ng grupong Houthi sa Red Sea

Illegal recruiter na nag-aalok ng trabaho sa South Korea, huli sa ikinasang operasyon ng CIDG at DMW

Arestado sa ikinasang joint operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Department of Migrant Workers (DMW) sa NAIA Terminal 3 ang illegal recruiter na nag-aalok ng trabaho sa South Korea. Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Nenita Yumol Sangullas. Ayon sa mga biktima, pinangakuan sila ni Sangullas ng trabaho bilang seasonal… Continue reading Illegal recruiter na nag-aalok ng trabaho sa South Korea, huli sa ikinasang operasyon ng CIDG at DMW

Miyembro ng Tiñga Drug Syndicate, arestado sa buy-bust operations ng PNP

Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na muli itong nakapuntos sa kanilang kampanya kontra iligal na droga. Ito’y makaraang maaresto ang isang high value individual at miyembro ng Tiñga Drug Syndicate sa ikinasang operasyon ng Taguig City Police Office. Sa impormasyong ipinabatid ni Taguig City Police Office Chief, Police Colonel Christopher Olazo sa Kampo Crame,… Continue reading Miyembro ng Tiñga Drug Syndicate, arestado sa buy-bust operations ng PNP

St. John the Baptist Parish Church sa San Juan City, iniakyat na bilang Archdiocesan Shrine

Pormal nang iprinoklama bilang Archdiocesan Shrine ang St. John the Baptist Parish Church sa San Juan City, ngayong hapon. Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Wattah-Wattah Festival sa lungsod. Sa kaniyang mensahe sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na napaka-espesyal ng pista ngayong taon, dahil pormal nang inindorso ng alkade kay Cardinal Jose… Continue reading St. John the Baptist Parish Church sa San Juan City, iniakyat na bilang Archdiocesan Shrine

Speaker Romualdez: Pagbibitiw ni VP Sara Duterte sa gabinete, dapat igalang

Dapat ay igalang na lang ang desisyon ni Vice President Sara Duterte na umalis sa gabinete. Ito ang tugon ni Speaker Martin Romualdez nang mahingan ng reaksyon sa pagbibitiw ng bise bilang kalhim ng Department of Education (DepEd) at Chairperson ng NTF-ELCAC. Ayon sa lider ng Kamara, sinabi na ng bise presidente na ito ay… Continue reading Speaker Romualdez: Pagbibitiw ni VP Sara Duterte sa gabinete, dapat igalang

MMDA, pinintahan ng rainbow ang pedestrian lane at footbridge sa Pasig City bilang pakikiisa sa Pride Month

Isang makulay na simbolo ng suporta at pakikiisa sa LGBTQIA+ community ang inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pamamagitan ng pagpipinta ng isang pedestrian lane at footbridge sa harapan ng kanilang tanggapan sa Barangay Ugong, Pasig City. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, ang makulay na crosswalk at footbridge ay simbolo… Continue reading MMDA, pinintahan ng rainbow ang pedestrian lane at footbridge sa Pasig City bilang pakikiisa sa Pride Month

DA Chief, nilinaw na hindi anti-farmers ang EO 62 sa gitna ng pagtutol ng ilang sektor sa agrikultura

Pinawi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pangamba ng ilang sektor sa desisyon ng gobyerno na babaan ang taripa sa imported farm products partikular ang bigas. Sinisiguro ng kalihim na handa ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na maglaan ng pondo para suportahan ang agricultural modernization. Noong ilabas ni Pangulong Marcos… Continue reading DA Chief, nilinaw na hindi anti-farmers ang EO 62 sa gitna ng pagtutol ng ilang sektor sa agrikultura

Porac POGO manager, napigilan na makalabas ng Pilipinas

Isang manager ng na-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga ang napigilan ng mga awtoridad na makalabas ng bansa ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Sa pulong balitaan sa Pampanga ngayong araw, sinabi ng PAOCC na ang naharang ay isang babaeng Chinese national na itinuturing na isa saga persons of interest sa kaso ng… Continue reading Porac POGO manager, napigilan na makalabas ng Pilipinas

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na may koneksyon si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Lucky South 99 Pogo Hub sa Porac, Pampanga

Ayon kay Gatchalian, may mga ebidensya na silang sinusundan kaugnay sa pagkakasangkot din ni Guo sa POGO hub sa Porac bagamat hindi pa nila ito maisapubliko ngayon. Malinaw rin para sa senador ang pagkakatulad ng POGO hub sa Porac at Bamban gaya ng pagkakagawa ng mga villa, gusali at ng buong compound. Partikular na aniya… Continue reading Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na may koneksyon si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Lucky South 99 Pogo Hub sa Porac, Pampanga

LRT-2, magbibigay ng libreng sakay para sa mga marino kasabay ng pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer bukas

Maghahandog ang pamunuaan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng sakay para sa mga marino. Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer bukas, June 25. Batay sa abiso, maaaring i-avail ang libreng sakay sa LRT-2 simula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7… Continue reading LRT-2, magbibigay ng libreng sakay para sa mga marino kasabay ng pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer bukas