Comelec at Kontraktor nito, pumirma na sa kasunduan para sa Online Voting ng mga Overseas Filipino

Sinelyuhan na ng Commission on Election at Private Contractor ang ang kontrata para sa Online Voting ng Overseas Filipino sa 2025 Midterm election. Ang Joint Venture na SMS Global Technologies at Sequent Tech Inc ang nakakuha ng kontrata para sa 112 million pesos para maisakatuparan ang Online Voting and Counting System para makaboto ang mga… Continue reading Comelec at Kontraktor nito, pumirma na sa kasunduan para sa Online Voting ng mga Overseas Filipino

House leaders, muling iginiit na hindi maaapektuhan ng bawas taripa ang pondo ng RCEF

Binigyang halaga ng House leaders ang papel na ginagampanan ng mga magsasaka para makamit ang rice self-sufficiency. Kaya siniguro mismo ni Speaker Martin Romualdez na sa kabila ng pagpapababa sa taripa na ipinapataw sa imported na bigas ay hindi maaapektuhan ang suportang ipinagkakaloob sa sa kanila sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF.… Continue reading House leaders, muling iginiit na hindi maaapektuhan ng bawas taripa ang pondo ng RCEF

3 teroristang komunista, na-nutralisa ng militar sa Batangas

Na nutralisa ng mga tropa ng 59th Infantry “Protector” Battalion (59IB) ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang 3 teroristang komunista sa enkwentro sa Tuy, Batangas. Ayon sa militar, nagsasagawa ng Security operation sa Barangay Acle noong araw ng Linggo ang mga tropa nang bigla silang paputukan ng kalaban na nagresulta sa 10 minutong palitan… Continue reading 3 teroristang komunista, na-nutralisa ng militar sa Batangas

Pag-alis ng Kuwaiti gov’t sa pagbibigay ng Entry at Worker Visa sa mga Pilipino, ipinagpasalamat

Pinasalamatan ni KABAYAN Party-list Representative Ron Salo ang Kuwaiti government sa matapos nitong i-ift o alisin ang ban sa pagbibigay ng entry visa at worker visa sa mga Pilipino matapos ang higit isang taon. Ayon sa mambabatas, isa itong mahalagang development sa pagpapabuti ng labor relations ng Kuwait at Pilipinas. Kinilala din ni Salo si… Continue reading Pag-alis ng Kuwaiti gov’t sa pagbibigay ng Entry at Worker Visa sa mga Pilipino, ipinagpasalamat

Monster ship ng China Coast Guard malapit sa Ayungin Shoal, tinawag na iligal at coercive — AFP

Tinawag na iligal at mapamilit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpasok ng tinaguriang “monster ship” ng China Coast Guard malapit sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal. Ayon sa AFP, ang presensya ng naturang barko ng Tsina ay naka-aapekto sa kapayapaan sa rehiyon at lalong makapagpapataas ng tensyon sa naturang… Continue reading Monster ship ng China Coast Guard malapit sa Ayungin Shoal, tinawag na iligal at coercive — AFP

Party-list solon, nababahala sa napaulat na data breach sa isang kilalang fast food chain

Labis na ikinababahala ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang napaulat na data breech sa customer information ng Jollibee Foods Corporation lalo na para sa mga senior citizen na parokyano ng naturang food chain. Batay sa report, kasama sa mga nakuhang impormasyon ng mga customer ang pangalan, address, contact number, at ID na maaaring… Continue reading Party-list solon, nababahala sa napaulat na data breach sa isang kilalang fast food chain

Junkshop sa Valenzuela na walang permit, ipinasara ni Mayor Wes Gatchalian

Agad ipinasara ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang isang junk shop sa isang residential subdivision sa Barangay Bignay matapos madiskubreng wala itong business permit. Ayon sa alkalde, inimbestigahan ang junkshop bilang tugon sa mga natanggap na report ng kanyang opisina. Nang bisitahin ito, nakita ang iba’t ibang paglabag kasama pa ang Violation of Zoning Ordinance… Continue reading Junkshop sa Valenzuela na walang permit, ipinasara ni Mayor Wes Gatchalian

Motion for Reconsideration ni suspended Mayor Alice Guo, ibinasura ng Ombudsman

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang inihaing Motion for Reconsideration ni suspended Bamban Mayor Alice Guo kaugnay sa reklamo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa umano’y pagkakasangkot ng alkalde sa iligal na operasyon ng POGO sa kanilang lugar. Sa inilabas order ni Ombudsman Samuel Martires, nakasaad na wala itong nakitang… Continue reading Motion for Reconsideration ni suspended Mayor Alice Guo, ibinasura ng Ombudsman

Marikina PNP, pinatutulong sa pagmamando ng trapiko sa lungsod bilang pagpapaigting din ng kanilang presensya

Inatasan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang kanilang lokal na Pulisya na makipag-ugnayan sa Office of Public Safety and Security (OPSS). Ito’y para magtulungan ang dalawang law enforcement agency sa pagmamando ng trapiko sa lungsod. Partikular na pinatututukan ni Mayor Teodoro sa mga pulis at OPSS ay ang mga chokepoint o lugar na madalas… Continue reading Marikina PNP, pinatutulong sa pagmamando ng trapiko sa lungsod bilang pagpapaigting din ng kanilang presensya

Publiko, hinikayat ng OCD na gamitin ang Hazard Hunter PH app

Muling hinikayat ng Office of Civil Defense (OCD) na gamitin ang Hazard Hunter PH app na nagbibigay ng hazard information at assessment upang matukoy ang distansya ng isang ari-arian mula sa mapanganib na lugar. Ito’y isang web based application na magsisilbing gabay upang matukoy kung ang isang bahay o ari-arian ay nasa mapanganib na lugar… Continue reading Publiko, hinikayat ng OCD na gamitin ang Hazard Hunter PH app