NEDA, binigyang diin ang kahalagahan ng pamumuhunan sa human capital investment para sa ekonomiya ng bansa

Upang mapabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa at makamit ang pangmatagalang mithiin ng masaganang buhay para sa lahat ng Pilipino, binigyang-diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kahalagahan ng pamumuhunan sa human capital development. Sa paglulunsad ng World Bank ng Philippines Human Capital Review, inihayag ni NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan ang… Continue reading NEDA, binigyang diin ang kahalagahan ng pamumuhunan sa human capital investment para sa ekonomiya ng bansa

Speaker Romualdez, walang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2025

Mas pipiliin ni Speaker Martin Romualdez na manatiling district representative kaysa tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2025. Sa ambush interview sa House leader, natanong ito kung may balak ba siyang tumakbo sa pagka senador sa nalalapit na midterm elections. Pero aniya mas gusto niyang manatili bilang kinatawan ng distrito ng Leyte. Marami pa… Continue reading Speaker Romualdez, walang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2025

Panawagan ng grupong BAYAN sa demilitarisasyon ng WPS, pabor sa China, ayon sa NSC

Tinuligsa ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya ang panawagan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) para sa demilitarisasyon ng West Philippine Sea bilang kontra sa pambansang interes. Sa isang pahayag, sinabi ni Malaya na ang naturang panawagan ay papabor as China, dahil sila ang magsasamantala kung aalisin ang mga tropa ng… Continue reading Panawagan ng grupong BAYAN sa demilitarisasyon ng WPS, pabor sa China, ayon sa NSC

Pagbabalik sa 2025 ng P10-M suporta sa bawat barangay, inaasahan ng NTF-ELCAC

Inaasahan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na maibabalik sa P10-M mula sa kasalukuyang P2.5-M, ang pondong inilalaan ng pamahalaan sa bawat baranggay sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP). Sa panukalang budget ng SBDP para sa 2025, 870 barangay ang inilista ng NTF-ELCAC para makatanggap ng… Continue reading Pagbabalik sa 2025 ng P10-M suporta sa bawat barangay, inaasahan ng NTF-ELCAC

Higit ₱8.5-M halaga ng liquid cocaine, nasabat sa isang Colombian national –PDEA

Aabot sa ₱8,522,400 ang halaga ng liquid cocaine ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang Colombian national sa Clark Pampanga. Kasabay nito ang pagkaaresto kay Santiago Francisco Amado Sopo, alyas Antonio Cordero, ang Colombian national. Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, dinakip si Sopo sa isang controlled… Continue reading Higit ₱8.5-M halaga ng liquid cocaine, nasabat sa isang Colombian national –PDEA

33 Chinese-Fil business sinuportahan ang diskarte ni Pangulong Marcos sa WPS

Nagpakita ng suporta ang 33 Chinese-Filipino business and civic organizations sa diplomatikong diskarte ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ongoing dispute sa West Philippine Sea. Ito’y sa gitna ng lumalalang alitan sa maritime sa pagitan ng Pilipinas at China. Sa pangunguna ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) umapela… Continue reading 33 Chinese-Fil business sinuportahan ang diskarte ni Pangulong Marcos sa WPS

Philipine Digital Infrastructure Project, aprubado na ng NEDA Board

Inaasahang matatapos ngayong taon ang Phase 2 at 3 ng National Fiber Backbone na kokonekta sa Metro Manila at Southern Luzon. Pahayag ito ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Usec. Jeffrey Dy, makaraang aprubahan sa National Economic and Development Authority (NEDA) Board meeting kahapon (June 26) ang 288-M US dollar loan na Philippine Digital Infrastructure… Continue reading Philipine Digital Infrastructure Project, aprubado na ng NEDA Board

5 Barangay sa Quezon City, nakatakdang ideklara ng lokal na pamahalaan bilang ‘drug-cleared’

Nakatakdang ideklara ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) na drug-cleared ang limang barangay sa Quezon City. Inanunsyo ito ni QCADAAC Co-Chairman at Vice Mayor Gian Sotto sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse. Sa ngayon aniya, bumababa na ang bilang ng mga drug dependents at drug pusher sa Quezon City. Resulta umano… Continue reading 5 Barangay sa Quezon City, nakatakdang ideklara ng lokal na pamahalaan bilang ‘drug-cleared’

Pangulong Marcos, nanawagan ng pagkakaisa sa laban ng buong bansa, kontra kagutuman

Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang papel na ginagampanan ng mga kabalikat ng pamahalaan, sa pag-abot ng Marcos Administration ng isang Bagong Pilipinas, kung saan walang Pilipino ang gutom. “Each and every one of us can contribute to the success of our campaign against hunger. If we are truly to succeed in this… Continue reading Pangulong Marcos, nanawagan ng pagkakaisa sa laban ng buong bansa, kontra kagutuman

Mga mambabatas, dismayado sa ginawang pagbili ng DOH ng near expiry na COVID-19 test kits sa mahal na presyo noong kasagsagan ng pandemya

Nagisa ng mga miyembro ng House Committee on Appropriations si dating Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III dahil sa pagbili ng near expiry na mga COVID-19 test kits noong kasagsagan ng pandemya. Maliban dito, napuna rin ng komite na mas mahal pa ang bentahan ng mga test kit na ito dito sa Pilipinas… Continue reading Mga mambabatas, dismayado sa ginawang pagbili ng DOH ng near expiry na COVID-19 test kits sa mahal na presyo noong kasagsagan ng pandemya