Mga high-tech na gamit ng Chinese na hinihinalang “spy”, na-turn over na ng CIDG sa Anti-Cybercrime Group

Uusad na muli ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa Chinese national na naaresto ng PNP-CIDG dahil sa hinihinalang espiya sa Makati City isang buwan na ang nakalilipas. Ito’y matapos maglabas ang Quezon City Regional Trial Court Branch 90 ng Warrant to Examine Computer Data para sa digital forensic examination sa mga high-tech… Continue reading Mga high-tech na gamit ng Chinese na hinihinalang “spy”, na-turn over na ng CIDG sa Anti-Cybercrime Group

NFA, dapat pang mag doble kayod para mapunan ang buffer stock ng bigas

Kailangan pang paigtingin ng pamahalaan ang pagbili sa lokal na palay upang mapunan ang kinakailangan na buffer stock ng bigas ng bansa. Nababahala kasi si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na sa kasalukuyan, batay sa pahayag ng National Food Authority , ang rice inventory ng bansa ay aabot lamang sa loob ng apat na araw.… Continue reading NFA, dapat pang mag doble kayod para mapunan ang buffer stock ng bigas

SUCs na maaaring mag-alok ng Medical Education, nadagdagan — CHED

Pinalawak pa ng Commission on Higher Education (CHED) ang access sa medical education sa dalawang unibersidad sa La Union at Bulacan. Ito’y kasunod ng pag-apruba ng CHED sa aplikasyon para sa Doctor of Medicine program ng Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) at Bulacan State University (BulSu). Ayon sa CHED, magiging epektibo na ito… Continue reading SUCs na maaaring mag-alok ng Medical Education, nadagdagan — CHED

Panukalang pagbubuwis sa digital services, lusot na sa Bicam

Pasado na sa Bicameral Conference Committee ang panukala na patawan ng 12% VAT ang mga non-resident digital service providers gaya ng Netflix, Disney, at HBO. Ayon kay House Ways and Means Chair Joey Salceda inaasahan na makakalikom ng ₱18-billion sa unang taon pa lang ng pagpapatupad ng batas. Isa sa probisyon ng panukala ay ang… Continue reading Panukalang pagbubuwis sa digital services, lusot na sa Bicam

DSWD, nagbabala sa mga kumakalat na video sa social media ng umano’y scholarship allowance

Muling nagpaalala ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na huwag magpaloko sa kumakalat na video sa TikTok na nanghihingi ng personal na impormasyon dahil magbibigay umano ng scholarship allowance ang kagawaran sa lahat ng estudyante sa bansa. Ayon sa DSWD, sila ay hindi nanghihingi ng personal na impormasyon online dahil… Continue reading DSWD, nagbabala sa mga kumakalat na video sa social media ng umano’y scholarship allowance

Ilang flood prone areas sa Caloocan, ininspeksyon ni Mayor Along Malapitan

Nagkasa ng inspeksyon si Caloocan Mayor Along Malapitan sa ilang mga flood prone areas sa District 1 at District 3 bilang bahagi pa rin ng paghahanda sa panahon ng tag-ulan. Kabilang sa inikot ng alkalde ang mga lugar sa siyam na barangay na madalas bahain kapag maulan ang panahon. Kasunod nito, inatasan ng alkalde ang… Continue reading Ilang flood prone areas sa Caloocan, ininspeksyon ni Mayor Along Malapitan

AFP, ikinaalarma ang kaliwa’t kanang fake news na kumakalat na layong sirain ang tiwala ng publiko sa pamahalaan

Nagsalita na si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. tungkol sa mga naglipanang disinformation na layong sirain ang tiwala ng publiko sa pamahalaan. Ayon sa AFP Chief, lubhang naka-a-alarma ang kaliwa’t kanang fake news para maghasik ng kalituhan at panic upang mahati ang bansa gayundin ay malihis ang… Continue reading AFP, ikinaalarma ang kaliwa’t kanang fake news na kumakalat na layong sirain ang tiwala ng publiko sa pamahalaan

Planong pag-blacklist sa ilang importer ng isda, suportado ng BFAR

Suportado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang plano ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na tuluyan nang i-blacklist ang ilang mapagsamantalang importer sa bansa. Batay sa inisyal na impormasyon mula kay Sec. Tiu-Laurel, apat na kumpanya ang iba-blacklist nito kasama ang dalawang importer ng isda. Ayon kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera, matagal… Continue reading Planong pag-blacklist sa ilang importer ng isda, suportado ng BFAR

NTC, pinag-iingat ang publiko laban sa mga nagpapanggap na empleyado ng ahensya

Nagbabala ngayon ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa mga manlolokong nagpapanggap na empleyado ng ahensya. Ayon sa NTC, may natatanggap itong mga ulat tungkol sa mga scammer na nagpapanggap diumano na tauhan o empleyado ng komisyon. Tumatawag pa aniya ang mga ito sa biktima at tatakutin na ang numero nito ay sangkot sa isang… Continue reading NTC, pinag-iingat ang publiko laban sa mga nagpapanggap na empleyado ng ahensya

Bagong Kadiwa center, nagbukas sa San Jose del Monte, Bulacan

May access na rin sa mas murang mga bilihin ang mga residente ng San Jose Del Monte, Bulacan sa pagbubukas ng kauna-unahang KADIWA Center-compliant sa City College, Barangay Minuyan Proper. Proyekto ito ng Department of Agriculture (DA) sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng San Jose Del Monte, Bulacan. Pinangunahan ni San Jose Del Monte,… Continue reading Bagong Kadiwa center, nagbukas sa San Jose del Monte, Bulacan