Inilunsad ng Philippine Smoke-Free Movement (PSFM) ang “early prevention awareness” activity na layong mailigtas ang mga kabataan mula sa nicotine addiction.
Ginawa ito ng grupo habang ginugunita ng bansa ang “National No Smoking Month” ngayong Hunyo at kasunod ng naiulat na unang pagkamatay na kaugnay sa paggamit ng vape.
Layon din nito na palawakin ang kamalayan ng kabataan para maagang malabanan ang mga panganib ng paninigarilyo at vaping.
Ayon kay Rizza Duro, National Coordinator ng PSFM, ang unang “vape-related death” ay senyales na dapat tutukan ng mga lokal na pamahalaan ang isyu.
Ipinanawagan ni Duro ang mahigpit na pangangailangan para sa higit pang regulasyon sa advertising ng vape at tabako.
Dapat na ring tutukan ito ng mga mambabatas dahil ang maluwag na restriksyon sa pagbebenta ay lalong naghihikayat sa mga kabataan na subukan ang bisyo.| ulat ni Rey Ferrer