Inatasan ni Police Regional Office (PRO) 1 Regional Director PBGen Lou Evangelista ang mga istasyon ng pulis na malapit sa baybayin sa Ilocos Sur na maging mapagmatyag sa possibleng presensya ng pinuslit na droga.
Ito’y matapos na marekober ng mga awtoridad sa tulong ng mga mangingisda noong Lunes ang 167 milyong pisong halaga ng shabu na nakasilid sa mga plastik na pakete sa katubigan ng San Juan, Ilocos Sur.
Nakitaan ng “chinese markings” ang mga pakete, pero ayon kay Bgen. Evangelista, kaiba ito sa mga shabu na naka-tea bag na una nang nasabat sa ibang mga operasyon.
Ayon pa kay Bgen. Evangelista, possibleng may iba pang mga pakete ng ipinuslit na shabu sa bisinidad, kaya pinapa-suri niyang mabuti sa mga Chief of Police sa lugar ang kani-kanilang area of responsibility.
Hinikayat naman ang publiko na mag-report sa mga pulis oras na makakita ng kahinahinalang mga bagay na palutanglutang sa karagatan na posible ring naglalaman ng shabu. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PRO1