Matagumpay na naipamahagi ng National Irrigation Administration Pampanga-Bataan Irrigation Management Office ang unang tranche ng pondo para sa mga magsasaka sa Pampanga.
May kabuuang 44 na magsasaka mula sa Barangay San Pedro San Juan (Timak), San Simon Farmers and Irrigators Association Inc., at First San Pedro San Simon Irrigators Association ang benepisyaryo ng programa.
Kalahok ang mga magsasaka at sumusuporta sa Rice Contract Farming Program ng NIA. Saklaw ng mga ito ang 71.1 ektarya ng lupang sakahan sa lalawigan.
Ang kaloob na pondo ay gagamitin para sa mahahalagang gawain sa paghahanda ng lupa at crop maintenance.
Ang pagsisikap na ito ng NIA ay bahagi ng isang mas malawak na programa na naglalayong palakasin ang produksyon at tiyakin ang food security sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer