Opisyal nang binuksan ng National Authority for Child Care ang 1st National Congress on Adoption, and Child Care sa Clark, Pampanga para sa North at Central Luzon ngayong araw.
Halos 200 participants na kumakatawan sa higit isang daang munisipalidad at lungsod mula sa regions 1, 2, 3, at Cordillera Administrative Region (CAR) ang lumahok sa dalawang araw na pagtitipon.
Mahigit naman sa 250 local government units ang nakiisa sa National Congress para sa Mindanao, NCR, at South Luzon clusters.
Sinabi ni NACC Undersecretary at Executive Director Janella Ejercito Estrada, sa unang araw ng pulong nakatuon ang diskusyon sa legal frameworks, mga requirement at mga kinakailangang proseso sa adoption at alternative childcare.
Tamang venue rin daw ito para palakasin ang pakikipagtulungan sa mga LGU sa pagpapatupad ng adoption at alternative childcare programs at ang layuning labanan ang illegal adoption.
Hihingin din ng NACC ang suporta ng local chief executives sa pagsulong at pagpapaunlad ng foster care program alinsunod sa mandato sa ilalim ng Republic Act No. 10165.
Samantala ang huling edition ng National Congress para sa Visayas cluster ay gagawin sa Cebu City sa Hunyo 26 at 27. | ulat ni Rey Ferrer