Tumanggap ng parangal si PAF Commanding General LtGen Stephen P Parreño PAF at iba pang Senior PAF Officers bilang pagkilala sa kanilang suporta sa Office of the Solicitor General (OSG).
Pinangunahan ni First Lady Louise Araneta Marcos ang paggawad ng parangal sa ikalawang AMIGO Awards ng Office of the Solicitor General (OSG) noong Biyernes, sa Grand Plaza Ballroom ng Sofitel Philippines, Plaza Manila.
Kasama ng unang ginang sa paggawad ng parangal sina Senate President Senator Francis ‘Chiz’ Escudero, at Solicitor General Menardo Guevarra.
Bukod kay Lt. Gen. Parreño, tumanggap di ng parangal sina Col Angelito R Retuta PAF (MNSA), Chief of the Air Force Real Estate Office (AFREO), at Col Roper John B Estepa JAGS (GSC), Chief of the Air Force Judge Advocate (AJA).
Ang paggawad ng AMIGO awards o “friends of the OSG” na itinatag noong 2023, ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng OSG. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PAF