PCMC, nagpasalamat sa suporta ni Sen. Bong Go sa mga batang cancer patient

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasalamatan ng pamunuan Philippine Children’s Medical Center (PCMC) ang patuloy na pagsuporta at pakikiisa ng mga mambabatas sa mga cancer patient.

Ito’y matapos pangunahan ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagtulong sa mga pasyente sa ilalim ng Malasakit Center.

Ayon kay PCMC Spokesperson Dr. Sonia Gonzalez, hindi pa senador si Go ay taon-taon na itong tumutulong sa mga pasyente.

Ilan sa kanila ay cancer free na kabilang na si John Paul Cuilao na gumaling mula sa sakit na leukemia.

Binigyang diin ni Gonzalez, na malaking tulong ang ginagawang pagtulong ng senador lalo na sa mga ordinaryong Pilipino na hirap maipagamot ang kanilang mga anak na may sakit.

Nangako naman ang senador na patuloy niyang susuportahan ang pangangailangan ng mga pasyente partikular na sa operasyon at ang pinansyal na gamutan.

Matatandaang binuksan ang pang 51 Malasakit Center sa Ospital noong Nobyembre 2019. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us