Pinangunahan ni CPNP PGEN Rommel Francisco Marbil ang pagkilala sa mga tauhan ng National Capital Region Police Office na nagpakita ng gilas sa pag resolba sa mga krimen.
Kabilang sa pinarangalan ay ang mga pulis na nakahuli ng mga suspek na sangkot sa ibat ibang krimen gaya ng road rage shooting incident sa may tunnel Ayala sa Makati, ang tatlong kaso ng pamamaslang sa Las Piñas at ang pagpatay ng isang chairman sa Muntinlupa.
Pinarangalan din ang mga pulis na nasa likod ng pagkaka sakote sa pamamaslang sa isang LTO official, at ang mga suspek sa nahuling shabu sa Alitagtag Batangas.
Ipinagmalaki din ni Marbil ang galing ng kanyang mga pulis at sinabing kahit walang mga parangal ay handang magsilbi ang PNP sa lahat.
Bilang pag talima aniya sa tema ng Bagong Pilipinas, tinitiyak ng PNP na prayoridad nila ang kaligtasan ng bawat sibilyan. | ulat ni Lorenz Tanjoco