Presyo ng bigas sa Pasig City Mega Market, bumaba pa sa ₱46 hanggang ₱47 kada kilo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumaba pa sa ₱46 hanggang ₱47 ang kada kilo ng bigas na mabibili sa Pasig City Mega Market.

Ayon sa mga rice retailer, tuloy-tuloy kasi ang ibinabagsak sa kanilang suplay dahilan upang bumaba pa ang presyo nito.

Bagaman, durog-durog ay malinis gayundin ay disente pa rin ang mga ibinebentang murang bigas at maganda rin itong isaing.

Inaasahan pa nilang bababa pa ang presyo ng bigas sa mga susunod na buwan bunsod na rin ng maraming suplay ng mga locally produced na bigas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us