DA, nagdagdag pa ng tatlong KADIWA centers para sa large-scale trial ng P29 rice progam

Pinalawak na ng Department of Agriculture (DA) ang P29 rice program sa pamamagitan ng pagdagdag ng tatlo pang KADIWA centers sa Metro Manila. Layon nito na makapagbenta ng mura ngunit magandang kalidad ng bigas sa mas maraming vulnerable households. Pinasimulan ng DA noong nakaraang linggo ang pagbenta ng P29 per kilo ng bigas sa senior… Continue reading DA, nagdagdag pa ng tatlong KADIWA centers para sa large-scale trial ng P29 rice progam

Rep. Marcoleta, nais paimbestigahan ang natuklasang offshore account ng isang Comelec official

Plano ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta na pormal na maghain ng resolusyon para paimbestigahan ang natuklasang offshore accounts na iniuugnay sa isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec). Sa isang pulong balitaan, tinukoy ng mambabatas na mayroon siyang natuklasang 49 na offshore accounts na pawang mula sa Singapore, China at Hong Kong, Carribean at… Continue reading Rep. Marcoleta, nais paimbestigahan ang natuklasang offshore account ng isang Comelec official

Ginagawang P450-M project ng Manila Water sa Rizal, pakikinabangan ng mahigit 1-milyong residente

On-going na ang konstruksyon ng P450 million Antipolo Transmission Line ng Manila Water, isang mahalagang component sa paghahatid ng serbisyo ng tubig sa Lalawigan ng Rizal. Ang proyekto ay ginawa ng water company upang matugunan ang tumataas na pangangailangan ng tubig sa lalawigan. May haba na siyam na kilometro ang transmission line mula sa bayan… Continue reading Ginagawang P450-M project ng Manila Water sa Rizal, pakikinabangan ng mahigit 1-milyong residente

NBI, nakakumpiska ng kabuuang P13-M halaga ng pekeng produkto

Photo courtesy of NBI

Aabot sa kabuuang P13 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI). Ayon kay NBI Director Jaime Santiago nakatanggap ng reklamo ang NBI kaugnay sa talamak na bentahan ng pekeng produkto ng Huawei Technologies Co., Ltd. sa lungsod ng Maynila. Sa bisa ng 12 search warrants, sinalakay ng mga… Continue reading NBI, nakakumpiska ng kabuuang P13-M halaga ng pekeng produkto

DSWD at OPAPRU, namigay ng cash assistance sa 94 MNLF combatants sa Basilan

Siyamnapu’t apat na dating myembro ng Moro National Liberation Front ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity sa Lamitan City, Basilan. Pinangunahan ni DSWD Undersecretary Alan Tanjusay at Asst Secretary Arnel Garcia ng Inclusive Sustainable Peace and Special Concerns… Continue reading DSWD at OPAPRU, namigay ng cash assistance sa 94 MNLF combatants sa Basilan

Kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Brazil, isinulong ni Gen. Brawner

Photos by PFC Carmelotes/PAOAFP

Isinulong ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mas malapitang kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Brazil. Ito ay sa kanyang pakikipagpulong kay Brazilian Ambassador to the Philippines His Excellency Gilberto Fonseca Guimarães de Moura sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo, ngayong araw. Sa naturang pagpupulong, tinalakay… Continue reading Kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Brazil, isinulong ni Gen. Brawner

Kampo ni Pastor Apollo Quiboloy, tinuligsa ang ₱10-M reward na inilabas ng DILG

Pumalag ang kampo ng puganteng si Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy sa Sampong milyong piso na patong sa kanyang ulo. Ayon sa kanyang abogado na si Ferdinand Topacio, ang pamamaraan ng pagpapalabas ng reward money sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan o lugar ni Pastor Quiboloy ay masyadong kwestyunable. Sabi nya, karaniwan ang… Continue reading Kampo ni Pastor Apollo Quiboloy, tinuligsa ang ₱10-M reward na inilabas ng DILG

Pagsibak sa 19 na Station Commander ng Davao City Police Office, kinumpirma ng liderato ng PNP

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Francisco Marbil ang pagsibak sa puwesto sa 19 na Station Commander ng Davao City Police Office. Ayon sa PNP Chief, nag-ugat ang pagsibak sa mga nabanggit na Station Commander sa tinatawag na “discrepancy sa reporting” subalit hindi na siya nagbigay ng detalye hinggil dito. Samantala, sinabi… Continue reading Pagsibak sa 19 na Station Commander ng Davao City Police Office, kinumpirma ng liderato ng PNP

Bilang ng mga nasugatan sa pagsabog sa Zamboanga City, umakyat na sa 27

Kinumpirma ng Police Regional Office 9 na umakyat na sa 27 ang bilang ng mga nasaktan sa pagsabog ng mga paputok sa Brgy. Cabatangan sa Zamboanga City. Batay sa updated na datos kaninang alas-8 ng umaga, umabot na sa anim ang mga sugatang tauhan ng Philippine Marines, habang pitong sibilyan naman na nakatira malapit sa… Continue reading Bilang ng mga nasugatan sa pagsabog sa Zamboanga City, umakyat na sa 27

5 malalaking proyekto ngayong taon, inilunsad ng Philippine Port Authority

Limang mahahalagang proyekto ang inilunsad ngayong taon ng Philippine Port Authority para sa kapakinabangan ng mga byahero. Ito ang magandang ibinalita ni PPA General Manager Jah Daniel Santiago kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-50 taon ng pagkatatag ng ahensya. Kabilang sa mga ito ang Law Enforcement Building sa Port of Currimao sa Ilocos Norte na isang… Continue reading 5 malalaking proyekto ngayong taon, inilunsad ng Philippine Port Authority