1 lalaki patay at 5 ang sugatan matapos tangayin ang nakaparadang police mobile sa Morong, Rizal

Isang lalaki ang nasawi habang hindi bababa sa limang katao ang nasaktan nang mauwi sa aksidente ang pagtangay sa isang nakaparadang police mobile sa Morong, Rizal. Ayon kay Police Major Rosalino Panlaqui, Hepe ng Morong Municipal Police, naganap ang insidente matapos rumesponde ang kanyang mga tauhan sa isang lalaking nagwawala na sinasabing may sakit sa… Continue reading 1 lalaki patay at 5 ang sugatan matapos tangayin ang nakaparadang police mobile sa Morong, Rizal

Desisyon kung dadalo o hindi sa SONA, karapatan ng bawat opisyal – Speaker Romualdez

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na dapat igalang ang karapatan ng bawat public official kung sila ay dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ng Presidente o hindi. Ito ang sinabi ng House leader kasunod ng pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos… Continue reading Desisyon kung dadalo o hindi sa SONA, karapatan ng bawat opisyal – Speaker Romualdez

Suspek sa road rage shooting incident sa Quezon Avenue, Quezon City, arestado na ng QCPD

Arestado na ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa insidente ng road rage na naganap sa Quezon Avenue, Quezon City noong July 2, kung saan isa ang nasugatan matapos barilin ng kapwa motorista. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joseph Dela Cruz, Station Commander ng Police Station 11 ang suspek na si Edwin de… Continue reading Suspek sa road rage shooting incident sa Quezon Avenue, Quezon City, arestado na ng QCPD

DSWD, tumulong sa mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon sa Cebu

Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-7 sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa pagbaha sa Cebu. Pinangunahan ng Disaster Response Teams at Municipal Action Teams (MATs) ng DSWD FO-7 ang profiling at assessment ng mga apektadong residente gayundin ang pagbibigay ng technical assistance sa pamamahala ng evacuation… Continue reading DSWD, tumulong sa mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon sa Cebu

Kamara, magrereserba pa rin ng upuan para kay VP Sara Duterte para sa SONA

Nakikipag ugnayan na ang Kamara sa Office of the Vice President kaugnay sa kaniyang pahayag na hindi na siya dadalo sa Station of the Nation Address (SONA) sa July 22. Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, kailangan nila ng pormal na kumpirmasyon at komunikasyon sa hindi pagdalo ng bise presidente. “Hindi naman namin tatanggalan… Continue reading Kamara, magrereserba pa rin ng upuan para kay VP Sara Duterte para sa SONA

Pag-arangkada ng Rice-For-All Program ngayong linggo, pinaplantsa pa ng DA

Pinaplantsa pa ng Department of Agriculture (DA) ang ilang detalye para sa pagsisimula ng Rice-For-All Program o pagbebenta ng mas murang bigas sa general public. Ito ay bukod pa sa P29 Program ng ahensya. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa na posibleng masimulan na sa Sabado o Linggo… Continue reading Pag-arangkada ng Rice-For-All Program ngayong linggo, pinaplantsa pa ng DA

P35 dagdag sa minimum wage sa NCR, di sapat para sa mga manggagawa

Bagaman isang positibong hakbang ng dagdag na P35 sa minimum wage sa Metro Manila ay hindi ito sasapat para sa araw-araw na gastusin ng mga manggagawa. Ayon kay Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Party-list, isinaalang-alang din ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa pagppasya sa wage hike ang kakayahan ng… Continue reading P35 dagdag sa minimum wage sa NCR, di sapat para sa mga manggagawa

Posisyon ng DOF at NEDA na ganap nang i-ban ang mga POGO sa bansa, welcome kay Sen. Villanueva

Napapanahon nang tuluyang ipagbawal ang operasyon ng mga POGO sa Pilipinas. Ito ang naging pahayag ni Senador Joel Villanueva kasabay ng pagpuri sa rekomendasyon nina Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto at ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa kanilang posisyon tungkol sa mga POGO. Umaasa si Villanueva, na matatalakay… Continue reading Posisyon ng DOF at NEDA na ganap nang i-ban ang mga POGO sa bansa, welcome kay Sen. Villanueva

Higit P70.2-M halaga ng presidential assistance, ipinamahagi ni Pangulong Marcos Jr. sa Batangas, Quezon, at Laguna

Personal na ipinamahagi ngayong araw (July 11) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iba’t ibang government assistance sa mga probinsya sa Southern Luzon. Kabilang dito ang higit P24 million para sa provincial government ng Batangas, P17.4 million para sa Laguna, at P28.8 million sa Quezon. Bukod pa dito ang tig P10,000 para sa 30… Continue reading Higit P70.2-M halaga ng presidential assistance, ipinamahagi ni Pangulong Marcos Jr. sa Batangas, Quezon, at Laguna

Mataas na lebel ng sulfur dioxide, patuloy na ibinubuga ng Bulkang Taal

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang mataas na lebel ng sulfur dioxide na ibinubuga ng Bulkang Taal. Batay sa datos ng PHIVOLCS, umabot sa 11,745 tonelada kada araw ang ibinubugang volcanic sulfur dioxide o SO2 ng Bulkang Taal. Ito ay mas mataas kumpara sa karaniwang 7,777 tonelada kada araw na… Continue reading Mataas na lebel ng sulfur dioxide, patuloy na ibinubuga ng Bulkang Taal