Susunod na RORE Mission sa BRP Sierra Madre, pinaghahandaan ng AFP

Pinaghahandaan na ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang susunod na Rotation and Resupply (RORE) Mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ito ang kinumpirma ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, isang buwan makalipas ang panghaharass ng Chinese Coast Guard (CCG) sa RORE mission… Continue reading Susunod na RORE Mission sa BRP Sierra Madre, pinaghahandaan ng AFP

Higit 7K iligal na online gaming websites, pinapasara ng PAGCOR

Pinapasara na ng Philippine amusement and gaming corporation (PAGCOR) na ma-shutdown ang nasa 7,700 na mga iligal na online gaming websites. Sa naging pagdinig ng Senado, sinabi ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na mula nang maupo siya sa tanggapan ay nai-report na nila ang nasa 7,747 na illegal operators ng mga online games sa mga… Continue reading Higit 7K iligal na online gaming websites, pinapasara ng PAGCOR

Seguridad ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Senado, tiniyak ni SP Chiz Escudero

Nainspeksyon na ni Senate President Chiz Escudero ang magiging detention room sa Senado ni suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at kanyang mga kaanak, sakaling maaresto na sila. Tiniyak ni Escudero ang kaligtasan nina Guo lalo’t ang tutuluyan aniya ng mga ito ay kalapit lang ng opisina ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng… Continue reading Seguridad ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Senado, tiniyak ni SP Chiz Escudero

Bagong housing program para sa mga empleyado ng gobyerno, inilunsad ng GSIS

No down payment, all installment option ang bagong alok ng Government Service Insurance System (GSIS) para sa 12,000 properties nito sa buong bansa.  Ayon kay GSIS General Manager Wick Veloso, ang nasabing pabahay ay ia-award sa mga empleyado ng pamahalaan na magbabayad ng installment basis.  Paliwanag ni Veloso, ang nasabing pabahay program ay iniaayos ng… Continue reading Bagong housing program para sa mga empleyado ng gobyerno, inilunsad ng GSIS

MMDA, inilunsad ang pinahusay na Communications and Command Center para sa mas maayos na pagtugon sa mga sakuna at kalamidad

Photo courtesy of MMDA

Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang pinahusay na Communications and Command Center (CCC). Layon nitong mas maging epektibo ang pagresponde sa mga sakuna, kalamidad, at iba pang emergency situation sa Metro Manila. Ang bagong CCC ay nilagyan ng mga makabagong teknolohiya tulad ng surveillance at monitoring system, smart-enabled devices, at isang advanced… Continue reading MMDA, inilunsad ang pinahusay na Communications and Command Center para sa mas maayos na pagtugon sa mga sakuna at kalamidad

Sen. Hontiveros, umaasang iaanunsiyo ni Pangulong Marcos Jr. ang pag-ban sa mga POGO sa kanyang SONA

Umaasa si Senate Committee on Women Chairperson Senator Risa Hontiveros na madidinig niya sa magiging state of the nation address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes ang tuluyan nang pagbabawal ng mga POGO sa Pilipinas. Ayon kay Hontiveros, sana ang maging desisyon ni Pangulong Marcos sa usapin ng mga POGO ay gaya… Continue reading Sen. Hontiveros, umaasang iaanunsiyo ni Pangulong Marcos Jr. ang pag-ban sa mga POGO sa kanyang SONA

Bagong transmission line sa Bataan pinasinayaan ni Pangulong Marcos Jr.

Photo courtesy of Presidential Communications Office

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapasinaya sa Mariveles-Hermosa-San Jose 500 Kilovolt transmission line sa Bataan. Sa kaniyang speech sinabi ng Pangulo, na sa sandaling maging operational na ay mas mapapalakas ang power transmission services sa Region 3 maging sa Metro Manila. Kukunekta din ang transmission line sa iba pang proyekto sa Bataan… Continue reading Bagong transmission line sa Bataan pinasinayaan ni Pangulong Marcos Jr.

Resulta ng PBEd outlook sa employability ng K to 12 graduates, “good news” ayon sa isang mambabatas

Welcome para kay House Committee on Labor and Employment Chair at Rizal Representative Fidel Nograles ang resulta ng Philippine Business for Education’s (PBEd) 2024 Jobs Outlook Study. Lumalabas kasi dito na apat sa limang employer o katumbas ng 86.6 percent ang handa nang kumuha o mag-hire ng K to 12 graduates. Mayroon ding 88% ng… Continue reading Resulta ng PBEd outlook sa employability ng K to 12 graduates, “good news” ayon sa isang mambabatas

Nasa P100-B, nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa mga POGO – DOF

Pinahayag ng Department of Finance (DOF) na umaabot sa halos P100 bilyon ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas kada taon dahil sa patuloy na operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means ngayong araw, binahagi ni finance undersecretary Karlo Adriano na bagama’t aabot P166.59 billion ang… Continue reading Nasa P100-B, nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa mga POGO – DOF

Maritime agencies, kailangang makipagtulungan sa mga NGO upang mas mapangalagaan ang yamang dagat ng bansa – DOTr

Hinimok ng Department of Transportation (DOTr) ang maritime sector na makipag-ugnayan at ihanay ang kanilang mga proyekto sa iba pang ahensya ng pamahalaan at non-government organizations (NGOs) upang mas mapangalagaan ang yamang dagat ng Pilipinas. Sa paglulunsad ng Mangroves Photo Exhibit sa National Museum of Natural History, binigyang-diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang kahalagahan… Continue reading Maritime agencies, kailangang makipagtulungan sa mga NGO upang mas mapangalagaan ang yamang dagat ng bansa – DOTr