Mobile command center ng MMDA, ide-deploy sa araw ng SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Magde-deploy ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Mobile Command Center nito sa Batasan corner Commonwealth Avenue, Quezon City sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Lunes. Layon nitong mabantayan ang kilos-protesta na isasagawa ng iba’t ibang grupo sa araw ng SONA. Ito ay tututukan ng bagong pinahusay… Continue reading Mobile command center ng MMDA, ide-deploy sa araw ng SONA ni Pangulong Marcos Jr.

3.7 million indigent seniors, nakatanggap ng 2024 social pension – DSWD

Umabot na sa mahigit 3.7 million indigent senior citizens sa bansa ang nakatanggap na ng kanilang Social Pension simula Enero hanggang Hunyo ng taong ito. May kabuuang P21.8 billion halaga ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa unang anim na buwan ngayong 2024 para sa 3,723,323 lolo at lola sa bansa.… Continue reading 3.7 million indigent seniors, nakatanggap ng 2024 social pension – DSWD

DA, ipinagbawal pansamantala ang pag-angkat ng manok at itlog sa Minnesota, USA dahil sa bird flu

Ipinag -utos na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang temporary ban sa pag-angkat ng domestic at wild birds, kabilang ang kanilang produkto mula sa Minnesota, United States of America (USA). Ginawa ito ni Secretary Tiu Laurel Jr., dahil sa outbreak ng High Pathogenicity Avian Influenza H5N1 subtype o Bird Flu. Kinumpirma ng USDA… Continue reading DA, ipinagbawal pansamantala ang pag-angkat ng manok at itlog sa Minnesota, USA dahil sa bird flu

Panukalang Philippine Maritime Zones Act, lusot na sa Bicameral Conference Committee

Nagkasundo na ang Bicameral Conference Committee kaugnay ng panukalang Philippine Maritime Zones Act. Kabilang ang panukalang Philippine Maritime Zones Act sa mga priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Ayon kay Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairperson Senador Francis Tolentino, kabilang sa mga salient point na naisama sa bicam version ng… Continue reading Panukalang Philippine Maritime Zones Act, lusot na sa Bicameral Conference Committee

“Monster ship” ng China Coast Guard, nananatiling naka-angkla sa Escoda Shoal malapit sa BRP Teresa Magbanua – PCG

Nananatiling naka-angkla ang China Coast Guard vessel 5901, na tinaguriang “monster ship,” sa Escoda Shoal. Sa mga larawang ibinahagi ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tariella, muling nakita ang barko kaninang alas-7:36 ng umaga. Ayon kay Tariella, nasa 638 yards o kalahating kilometro na lamang ang layo nito… Continue reading “Monster ship” ng China Coast Guard, nananatiling naka-angkla sa Escoda Shoal malapit sa BRP Teresa Magbanua – PCG

MMDA, magpapatupad ng traffic management plan sa Batasang Pambansa sa QC sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Abiso sa mga motorista. Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng traffic management plan partikular na sa Batasang Pambansa, Quezon City sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr sa Lunes. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, mahigit 1,300 na mga tauhan ng ahensya ang ipakakalat… Continue reading MMDA, magpapatupad ng traffic management plan sa Batasang Pambansa sa QC sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Pagsasaayos ng aircon ng NAIA, hindi dapat nakakapagdulot ng abala ayon kay Sen. Poe

Hindi dapat nakakapagdulot ng perwisyo sa mga pasahero o sa regular operasyon ng paliparan ang pagsasaayos ng aircon ng NAIA ayon kay Senadora Grace Poe. Reaksyon ito ng senadora kaugnay ng pag-shutdown ng aircon ng NAIA terminal 3 mula 9pm kagabi hanggang kaninang 9am ng umaga. Ipinahayag ni Poe ang pagkadismaya na kinakailangang tiisin ng… Continue reading Pagsasaayos ng aircon ng NAIA, hindi dapat nakakapagdulot ng abala ayon kay Sen. Poe

Pamemeke ng mga birth certificate at pasaporte ng foreign nationals, pinaiimbestigahan sa Kamara

Inihain ngayon ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang isang resolusyon para paimbestigahan ang paglipana ng pekeng birth certificate at pasaporte para sa mga foreign nationals. Sa kaniyang House Resolution 1802, inaatasan ang House Committee on Local Government at House Committee on Justice na busisiin kung paano nakakakuha ang mga dayuhan ng pekeng… Continue reading Pamemeke ng mga birth certificate at pasaporte ng foreign nationals, pinaiimbestigahan sa Kamara

Isa pang mega dam project, itatayo sa Panay at posibleng makumpleto bago matapos ang termino ni PBBM

Inaasahang madadagdagan pa ng isang mega dam project ang isla ng Panay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kasunod ng inagurasyon ng Jalaur River Multipurpose Project II (JRMP II) sa Calinog, Iloilo, ipinabatid NIA Administrator Eduardo Guillen na sa 2026 inaasahan ang simula ng pagtatayo ng Panay River Basin Integrated Development… Continue reading Isa pang mega dam project, itatayo sa Panay at posibleng makumpleto bago matapos ang termino ni PBBM

DA, inalis na import ban ng poultry products mula sa Czech Republic

Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang import ban sa mga wild at domestic birds mula sa Czech Republic. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kasunod ito ng deklarasyon na naresolba na ng bansa sa Europa ang avian influenza outbreak. Una nang ipinatupad noong Marso ng DA ang temporary ban sa pag-angkat… Continue reading DA, inalis na import ban ng poultry products mula sa Czech Republic