Ilang lugar sa bansa, itinaas na sa Signal Number 1 dahil sa bagyong #CarinaPH

Lumakas pa ang bagyong Carina, base sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong hapon. Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong sa 420 km Silangan ng Tuguegarao City Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 kilometro kilometer(kph) kada oras at bugso na aabot sa 150… Continue reading Ilang lugar sa bansa, itinaas na sa Signal Number 1 dahil sa bagyong #CarinaPH

SONA ng Pangulo, pangkalahatang mapayapa ayon sa PNP

Photo courtesy of Office of the Chief PNP

Iniulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Jose Melencio Nartatez Jr. na pangkalahatang naging mapayapa ang pagdaraos ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa huling ulat ng NCRPO, ang mga pagkilos sa Metro Manila ay nilahukan ng tinatayang 7,510 indibidwal kung saan walang major untoward… Continue reading SONA ng Pangulo, pangkalahatang mapayapa ayon sa PNP

Ilang reporma at achievement sa agri sector, inilatag ni Pangulong Marcos Jr. sa ikatlong SONA

Photo courtesy of Philippine News Agency

Umakyat na sa higit 130,000 titulo ng lupa ang naigawad ng Marcos Administration sa mga benepisyaro ng pamahalaan. Nasa higit P57 billion na halaga ng utang ng mga magsasaka ang napawalang bisa, at higit 70,000 kaso ng agrarian reform ang naresolba ng pamahalaan. Ilan lamang ito sa mga nagawa ng Marcos Administration sa nakalipas na… Continue reading Ilang reporma at achievement sa agri sector, inilatag ni Pangulong Marcos Jr. sa ikatlong SONA

Tangkang destabilisasyon laban sa Marcos Administration, kinondena ng NSC

Mariing kinondena ng National Security Council (NSC) ang tangkang destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa isang pahayag, tinukoy ni NSC Spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya ang inilabas na video na nag-uugnay sa Pangulo sa paggamit ng ilegal na droga bilang gawa-gawa at malisyosong panloloko na ikinakalat sa mga mamamayan.… Continue reading Tangkang destabilisasyon laban sa Marcos Administration, kinondena ng NSC

Ganap na pagbabawal sa POGO operations, ipinag-utos na ni Pangulong Marcos Jr.

Epektibo simula ngayong araw (July 22), ganap nang ipagbabawal sa Pilipinas ang ano mang porma ng POGO operations. “The grave abuse and great disrespect to our system of laws must stop. Kailangan nang itigil ang paggulo nito sa ating lipunan at panglalapastangan sa ating bansa. Effective today, all POGOs are banned.” -Pangulong Marcos Jr. Sa… Continue reading Ganap na pagbabawal sa POGO operations, ipinag-utos na ni Pangulong Marcos Jr.

Single-digit poverty rate, inaasahang makakamit sa 2028 – NEDA

Inaasahang makakamit sa 2028 ang single-poverty rate ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) kung saan mas bababa pa ang bilang ng mga mahihirap sa bansa. Base sa 2023 Full Year Official Poverty Statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas ngayong araw, July 22, ay bumaba sa 15.5 percent mula sa 18.1 percent… Continue reading Single-digit poverty rate, inaasahang makakamit sa 2028 – NEDA

PNP, bubuo ng task force para imbestigahan ang pagkalat ng pekeng video ng Pangulo

Bubuo ang Philippine National Police (PNP) ng Task Force na pangungunahan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) para imbestigahan ang pagkalat ng pekeng video ng Pangulo sa aktong gumagamit umano ng ilegal na droga. Sa Pulong balitaan sa Camp Crame, naglabas ng screenshots si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr.… Continue reading PNP, bubuo ng task force para imbestigahan ang pagkalat ng pekeng video ng Pangulo

Sec. Teodoro, nanawagan sa Kongresso na amyendahan ang Espionage Law

Nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa Kongresso na amyendahan ang Espionage Law para maging epektibo hindi lang sa panahon ng giyera. Ang pahayag ay ginawa ng kalihim kasabay ng pagbubukas ng 3rd regular session ng 19th Congress ngayong araw, sa gitna ng mga lumulutang na usapin tungkol sa umano’y presensya… Continue reading Sec. Teodoro, nanawagan sa Kongresso na amyendahan ang Espionage Law

Pag-atras ni US President Biden sa nalalapit na US elections, pagpapakita ng tunay na statesmanship – Pangulong Marcos Jr.

Sinasalamin lamang ng pagbawi ni US President Joe Biden sa kandidatura nito para sa US elections, ang pagiging isang tunay at respetadong political leader nito. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  kasunod ng anunsiyo ni US President Biden na hindi na ito tatakbo sa kanilang halalan sa Nobyembre, kasabay ng pag-endorso kay US… Continue reading Pag-atras ni US President Biden sa nalalapit na US elections, pagpapakita ng tunay na statesmanship – Pangulong Marcos Jr.

Galas Police Station 11, nakaantabay sa trapiko sa Welcome Rotonda, Quezon City

Kasalukuyang walang banta ng mabigat na daloy ng trapiko sa Mabuhay Rotonda o mas kilala bilang Welcome Rotonda kung saan nakaantabay at nagsasagawa ng checkpoint ang Galas Police Station 11 ng Quezon City Police District. Ayon kay Police Captain Ronaldo Ambatang, ang pagsasagawa ng checkpoint ay upang matiyak ang kapayapaan sa inaasahang State of the… Continue reading Galas Police Station 11, nakaantabay sa trapiko sa Welcome Rotonda, Quezon City