Customize Consent Preferences

We use cookies to help you navigate efficiently and perform certain functions. You will find detailed information about all cookies under each consent category below.

The cookies that are categorized as "Necessary" are stored on your browser as they are essential for enabling the basic functionalities of the site. ... 

Always Active

Necessary cookies are required to enable the basic features of this site, such as providing secure log-in or adjusting your consent preferences. These cookies do not store any personally identifiable data.

No cookies to display.

Functional cookies help perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collecting feedback, and other third-party features.

No cookies to display.

Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics such as the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.

No cookies to display.

Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.

No cookies to display.

Advertisement cookies are used to provide visitors with customized advertisements based on the pages you visited previously and to analyze the effectiveness of the ad campaigns.

No cookies to display.

Maayos na koordinasyon sa mga komunidad na malapit sa dam bago ang pagpapakawala ng tubig, siniguro ni Pangulong Marcos Jr.

Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkakaroon ng maayos na koordinasyon sa mga komunidad na malapit sa mga dam bago magpakawala ng tubig ang mga ito. Sa gitna pa rin ito ng epekto ng bagyong Carina. Sa ganitong paraan, ayon sa Pangulo, matitiyak ang kaligtasan ng mga residente sa mga lugar malapit sa… Continue reading Maayos na koordinasyon sa mga komunidad na malapit sa dam bago ang pagpapakawala ng tubig, siniguro ni Pangulong Marcos Jr.

Camp Aguinaldo, binuksan para daanan ng lahat ng sasakyan dahil sa pagbaha

Inanunsiyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maaaring dumaan sa Camp Aguinaldo ang lahat ng sasakyan para makaiwas sa baha. Sa abisong inilabas ngayong umaga, isinara epektibo kaninang alas-6 ng umaga ang gate 2, 3, at 6 ng kampo. Ito’y dahil sa pagbaha sa mga kalsada sa palibot ng kampo. Dahil dito, pinahintulutan… Continue reading Camp Aguinaldo, binuksan para daanan ng lahat ng sasakyan dahil sa pagbaha

Deklarasyon ng state of calamity sa NCR, suportado ng PNP

Nagpahayag ng suporta ang Philippine National Police (PNP) sa pagdedeklara ng Metro Manila Council (MMC) ng State of Calamity sa buong National Capital Region (NCR) ngayong hapon, dahil sa matinding epekto ng bagyong Carina at ng Habagat. Sa isang statement, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, na itinatampok ng hakbang… Continue reading Deklarasyon ng state of calamity sa NCR, suportado ng PNP

Higit 7,000 pamilya, nailikas sa QC dahil sa mga pag-ulan at pagbaha

Photo courtesy of QC Government Facebook page

May humigit-kumulang 7,305 na pamilya at 22,682 indibidwal ang nailikas na sa iba’t ibang evacuation centers sa Quezon City. Dahil pa rin ito sa walang tigil na pag-ulan at pagbaha sa kanilang mga lugar. Pinakamaraming inilikas ay mula sa District 4 na aabot sa 1,966 na pamilya o 7,099 katao; sunod ang District 2 na… Continue reading Higit 7,000 pamilya, nailikas sa QC dahil sa mga pag-ulan at pagbaha

Halos 500 pamilya sa Pasig City, inilikas dahil sa malakas na ulan at baha na dulot ng bagyong Carina

Umabot na sa halos 500 pamilya ang inilikas sa Lungsod ng Pasig na apektado ng mga pagbaha dahil sa mga pag-ulan na dala ng bagyong Carina at habagat. Batay sa pinakahuling datos ng Pasig PIO, nasa 492 na pamilya o 1,948 na mga indibidwal ang kasalukuyang tumutuloy sa 19 na mga evacuation center sa lungsod.… Continue reading Halos 500 pamilya sa Pasig City, inilikas dahil sa malakas na ulan at baha na dulot ng bagyong Carina

DSWD Chief, ipinag-utos na ang agarang pamamahagi ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Carina

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., ipinag-utos na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang agarang paghahatid ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Carina. Inatasan ng kalihim ang Disaster Response Management Group at DSWD Field Offices para magpadala ng family food packs at iba pang relief… Continue reading DSWD Chief, ipinag-utos na ang agarang pamamahagi ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Carina

NCR, isinailalim na sa state of calamity dahil sa matinding pagbahang dulot ng bagyong Carina

Opisyal nang idineklara ng Metro Manila Council (MMC) ang pagsasailalim sa state of calamity ng National Capital Region (NCR). Sa isang pulong sa Pasig City ngayong hapon na pinangunahan nina Interior Secretary Benhur Abalos at MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora kasama ang iba’t ibang alkalde sa Metro Manila napagkasunduan na isailalim… Continue reading NCR, isinailalim na sa state of calamity dahil sa matinding pagbahang dulot ng bagyong Carina

Pangulong Marcos Jr., satisfied sa ginagawang pagtugon ng gov’t agencies sa bagyong Carina

Kuntento si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa narinig na ulat kaugnay sa ginagawang pagtugon ng mga tanggapan ng pamahalaan sa epekto ng bagyong Carina. Sa situation briefing sa NDRRMC, sinabi ng Pangulo na wala na siyang masyadong special order sa government offices lalo’t mayroon naman nang sinusunod na standard operating procedure (SOP) ang mga… Continue reading Pangulong Marcos Jr., satisfied sa ginagawang pagtugon ng gov’t agencies sa bagyong Carina

Mga lugar na mahirap abutin ng tulong, pinabibigyang prayoridad ni PBBM sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan

Pinauuna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa concerned government agencies ang pagpapaabot ng kailangang asiste sa mga lugar na mahirap abutan ng tulong. Sa media interview sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi ng Pangulo na dapat mabigyang prayoridad ang mga isolated areas. Kaugnay nito ay pinamamadali rin ng Pangulo sa… Continue reading Mga lugar na mahirap abutin ng tulong, pinabibigyang prayoridad ni PBBM sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan

Shelter teams, inactivate na ng DHSUD sa mga lugar na apektado ng Bagyong Carina

Pinakilos na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga regional shelter cluster team sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Carina. Bahagi ito ng proactive measure ng ahensya upang masiguro ang agarang pagtugon at pagbibigay tulong sa mga apektado ng bagyo. Kabilang sa mga activated shelter clusters ang NCR at lahat… Continue reading Shelter teams, inactivate na ng DHSUD sa mga lugar na apektado ng Bagyong Carina