Luzon-NCR ROTC games, nagbukas kahapon sa Indang, Cavite

Pormal na nagbukas ang Luzon-National Capital Region (NCR) qualifying leg ng Philippine Reserve Officer Training Corps (ROTC) Games sa Cavite State University, Indang, Cavite kahapon. Ang opening Ceremony ay dinaluhan ni Senator Francis N. Tolentino at Senator Robin C. Padilla kasama ang 1,800 ROTC cadets mula sa 118 kolehiyo at unibersidad sa Luzon at Metro… Continue reading Luzon-NCR ROTC games, nagbukas kahapon sa Indang, Cavite

Nasawi sa habagat at 2 bagyo, umakyat sa 36

Umakyat na sa 36 ang iniulat na nasawi sa pinagsamang epekto ng bagyong Carina at Butchoy, at ng Habagat. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 14 sa mga iniulat na nasawi ang kumpirmado, habang patuloy pang bina-validate ang nalalabi. 5 sa kumpirmadong nasawi ay sa Calabarzon, 4 sa Region 9,… Continue reading Nasawi sa habagat at 2 bagyo, umakyat sa 36

BFAR, wala pang inirerekomendang fishing ban kasunod ng oil spill sa Bataan

Wala pang inirerekomenda sa ngayon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na fishing ban sa karagatang apektado ng oil spill mula sa lumubog na oil tanker na MT Terra Nova sa karagatang bahagi ng Limay, Bataan. Ayon kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera, tuloy tuloy pa rin ang pangingisda sa Bataan. Wala rin aniyang… Continue reading BFAR, wala pang inirerekomendang fishing ban kasunod ng oil spill sa Bataan

Bilang ng mga enrollee para sa School Year 2024-2025, nasa halos 20 milyon — DepEd

Parami pa ng parami ang bilang ng mga estudyanteng nagpapatala para sa School Year 2024-2025. Batay sa pinakahuling datos ng Department of Education (DepEd), pumalo na sa 19.8 million ang bilang ng enrollees, partikular na sa Elementary, Junior, at Senior High School gayundin sa Alternative Learning System (ALS). Pinakamarami sa mga enrollee ay sa CALABARZON… Continue reading Bilang ng mga enrollee para sa School Year 2024-2025, nasa halos 20 milyon — DepEd

Pagbubukas ng klase sa Marikina City, iniurong sa Aug. 5

Kumpara sa ibang mga paaralan na nagbukas na ng klase ngayong balik-eskuwela na ang maraming mag-aaral, iba ang sitwasyon sa Marikina City ngayong araw. Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, sinabi nito na batay sa rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) Marikina ay kanila munang iniurong sa August 5 ang… Continue reading Pagbubukas ng klase sa Marikina City, iniurong sa Aug. 5

Batang Busog Malusog, muling ibabalik ng Office of Presidential Adviser on Poverty Alleviation

Muling ipagpapatuloy ng Office of the Presidential Adviser on Poverty Alleviation ang Batang Busog Malusog Program ngayong nagbalik Eskwela na ang mga estudyante. Ayon kay Sec. Larry Gadon, muli nilang dadalhin sa mga paaralan ang nasabing programa upang makatulong sa mga mahihirap na estudyante. Naudlot ang BBM program matapos suma ilalim sa angioplasty operation ang… Continue reading Batang Busog Malusog, muling ibabalik ng Office of Presidential Adviser on Poverty Alleviation

Higit 2,600 indibidwal, nananatili pa sa evacuation centers sa Valenzuela City

Aabot pa sa 690 na pamilya o katumbas ng 2,675 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers sa Valenzuela City bunsod ng epekto ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina. Pinakamarami ang naapektuhang residente sa District 1 at 2. Ang ilan sa mga evacuee ay nananatili sa mga eskwelahan kaya iniurong sa August 5 ang… Continue reading Higit 2,600 indibidwal, nananatili pa sa evacuation centers sa Valenzuela City

End-of-trip cycling facilities, binuksan sa QC

Pinalawak pa ang suporta para sa mga siklista sa Quezon City sa pagbubukas ng karagdagang cycling facilties sa lungsod. Pinangunahan nina QC Mayor Joy Belmonte, Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary James Melad, at iba pang opisyal ng QC LGU ang pormal na paglulunsad ng bagongend-of-trip cycling facility na matatagpuan sa QC Hall Compound. Sa… Continue reading End-of-trip cycling facilities, binuksan sa QC

PBBM, nagpahayag ng suporta sa Team Pilipinas athletes na nakikipagtunggali ngayon sa Paris Olympics 2024

Best of luck ang ipinaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga atletang Pinoy na sumasabak ngayon sa Paris Olympics 2024. Ipinaabot ng Pangulo ang kanyang suporta sa mga manlalarong Pinoy sa kanyang Facebook account. Mensahe ng Pangulo sa mga atleta, ipakita sa buong mundo kung ano ang mga Pinoy athletes. Nasa 22… Continue reading PBBM, nagpahayag ng suporta sa Team Pilipinas athletes na nakikipagtunggali ngayon sa Paris Olympics 2024

Taas-sahod ng mga guro, bahagi ng ikatatagumpay ng learning recovery program ng pamahalaan

Umaasa si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na mapagtitibay na ang mga panukalang batas para sa umento sa sahod ng mga guro at pagpapaigting sa proficiency ng mga mag-aaral para maging matagumpay ang learning recovery program ng pamahalaan. Kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw, ipinaalala ng mambabatas ang atas ng Pangulong Ferdinand R. Marcos… Continue reading Taas-sahod ng mga guro, bahagi ng ikatatagumpay ng learning recovery program ng pamahalaan