Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) sa San Jose del Monte, Bulacan, ang 3 sa 4 na suspek dahil sa organ trafficking o pangangalakal ng kidney.
Ayon kay NBI Dir. Jaime Santiago, mayroong nakuhang donor ang mga suspek ngunit hindi ito binayaran.
Dito na nagreklamo ang biktima kaya agad nagsumbong at nagsagawa ng raid ang NBI kung saan 9 ang na-rescue.
Kung saan 4 dito ay nakuhanan na ng “kidney” at lima ay inihahanda na para sa operasyon.
Umamin naman ang 2 sa mga suspek na dati rin silang donor ng kidney at sumama na sila sa operasyon kalaunan dahil akala ito ay legal dahil sa pangangailangan sa pera.
Ayon kay Santiago, ang mga suspek ay sinampahan na ng kasong qualified human trafficking kabilang ang umano’y head nurse ng isang ospital na sangkot sa ilegal na operasyon.
Sa imbestigasyon ng NBI, ginagawa ang transaksyon sa social media kapalit ang bayad na 200,000 pesos at ginagawa ang ilegal na operasyon sa malalayong lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa