Committee hearing ng Senado para sa panukalang 2025 national budget, magsisimula sa ikatlong linggo ng Agosto

Nakatakda na sa Agosto ang pagsisimula ng Senado na talakayin ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon. Ayon kay Senate President Chiz Escudero, sa August 13 ay magsisimula na ang briefing at debates ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa 2025 budget. Tiniyak rin ng senate president na gaya ng ginawa sa nagdaang… Continue reading Committee hearing ng Senado para sa panukalang 2025 national budget, magsisimula sa ikatlong linggo ng Agosto

Bakuna laban sa African Swine Fever, aprubado na ng FDA – Department of Agriculture

Sisimulan na sa Agosto ng Department of Agriculture ang roll out ng bakuna kontra sa African Swine Fever (ASF) sa mga lugar na apektado ng sakit sa baboy. Ito’y matapos ianunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) na aprubado na ang Certificate of Product Registration (CPR) ng bakuna. Ayon ka Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel… Continue reading Bakuna laban sa African Swine Fever, aprubado na ng FDA – Department of Agriculture

Mga paghahanda para sa epekto ng La Niña, tinalakay sa sectoral meeting sa Malacañang ngayong araw

Photo courtesy of Malabon City Government

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at iba pang tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman sa pagtugon sa pagbaha at mga paghahanda dito, na paigtingin ang napapanahong pagbababa ng early warnings, weather updates, at flood risk forecasting, para sa publiko. Ipinunto… Continue reading Mga paghahanda para sa epekto ng La Niña, tinalakay sa sectoral meeting sa Malacañang ngayong araw

Mayorya sa Kamara, nakasuporta sa pagbibigay ng dagdag na budget para mapalakas ang mga ahensyang nangangalaga sa integridad at seguridad ng West Philippine Sea

Tiniyak ni House Majority Leader at Zamboanga Rep. Manuel Jose Dalipe na nakasuporta ang majority bloc ng Kamara sa pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong kanyang state of the nation address (SONA), na suportahan ang ating Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang ahensya na nagbabantay sa West Philippine Sea. Sa pulong balitaan… Continue reading Mayorya sa Kamara, nakasuporta sa pagbibigay ng dagdag na budget para mapalakas ang mga ahensyang nangangalaga sa integridad at seguridad ng West Philippine Sea

Lawak ng oil spill ng lumubog na barko sa Bataan, umabot na sa baybayin ng Pampanga, Bulacan, NCR at Cavite

Lalo pang lumawak ang mga baybayin na apektado na ng tumagas na langis mula sa lumubog na barko sa Bataan.  Sa virtual press conference, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, apektado na ang mga baybayin ng Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila at Cavite.  Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang paghigop… Continue reading Lawak ng oil spill ng lumubog na barko sa Bataan, umabot na sa baybayin ng Pampanga, Bulacan, NCR at Cavite

Kumakalat sa social media na nasa P787.6-B ang pondo ng MMDA para sa flood control projects sa nakalipas na 2 taon, fake news

Pinabulaanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kumakalat sa social media na nasa P787.6 billion ang pondo ng tanggapan para sa flood control projects sa nakalipas na dalawang taon. Kasunod ito ng mga pagbahang naranasan sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na pagdaan ng Bagyong Carina. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi… Continue reading Kumakalat sa social media na nasa P787.6-B ang pondo ng MMDA para sa flood control projects sa nakalipas na 2 taon, fake news

Pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng bagyong Carina at habagat, aabot na sa higit P1.17-B

Pumalo na sa P1.17 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil kay bagyong Carina at habagat. Ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA), may 40,904 magsasaka at mangingisda ang apektado habang nasa 18,086 metric tons na ang nawalang produksyon. May lawak na 42,708 ektarya ng agricultural areas ang nasalanta ng kalamidad.… Continue reading Pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng bagyong Carina at habagat, aabot na sa higit P1.17-B

Bagong BSP building sa Cotabato, tanda ng malaking pagbabago sa BARMM – Sec. Galvez

Photo courtesy of French Embassy

Hinirang ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. bilang tanda ng malaking pagbabago sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang pagbubukas ng bagong gusali ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Cotabato City. Si Sec. Galvez ay kabilang sa mga panauhin sa inagurasyon ng bagong gusali kahapon, na ilang metro lang ang… Continue reading Bagong BSP building sa Cotabato, tanda ng malaking pagbabago sa BARMM – Sec. Galvez

27,000 litro ng malinis na tubig, ipinamahagi ng Red Cross sa mga apektado ng bagyo at habagat

Naghatid ng malinis na inuming tubig ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga nasalanta ng Habagat at bagyong Carina sa mga apektadong komunidad sa Luzon. Ayon sa PRC, aabot sa 27,000 litro ng malinis na inuming tubig ang kanilang naihatid bukod pa iyan sa iba pang pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad. Nagpa-ikot ng water… Continue reading 27,000 litro ng malinis na tubig, ipinamahagi ng Red Cross sa mga apektado ng bagyo at habagat

Budget briefing para sa 2025 National Expenditure Program, sisimulan na sa susunod na linggo

Sa susunod na linggo mag sisimula ang budget briefing ng Kamara para sa 2025 National Expenditure Program. Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, maaga nilang masisimulan nag pagbusisi sa panukalang pambansang pondo dahil na rin sa maagang isinumite ng ehekutibo ang NEP. Unang haharap ang Development Budget Coordinating Council o DBCC na kinabibilangan… Continue reading Budget briefing para sa 2025 National Expenditure Program, sisimulan na sa susunod na linggo