Milyong milyong halaga ng uncertified appliances, huli ng DTI sa isang warehouse Bulacan

Papalo sa halos P44-M ang halaga ng nasabat na uncertified appliances ng Department of Trade and Industry sa warehouse ng Grand Philippines Smart Appliances Corp. sa Plaridel, Bulacan. Ayon sa pahayag ng DTI, pinanganuhan ang nasabing operasyon ng DTI task force kalasag kung saan nakumpiska ng grupo ang nasa 24, 771 na units ng ibat… Continue reading Milyong milyong halaga ng uncertified appliances, huli ng DTI sa isang warehouse Bulacan

Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tinanggap ang kopya ng New Expenditure Policy 2025

Naiabot na ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang New Expenditure Program 2025. Nakapaloob sa NEP ang detalyadong mga programang iminumungkahi para sa susunod na taon kabilang na Ang halaga ng pondong kakailanganin sa 2025. 6.35 trillion pesos ang nakapaloob sa proposed budget para sa susunod… Continue reading Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tinanggap ang kopya ng New Expenditure Policy 2025

‘Rice for All’ program, aarangkada na bukas

Tuloy na tuloy na bukas, Aug. 1 ang pagarangkada ng “Rice-for-All” program ng Department of Agriculture (DA). Programa itong mag-aalok ng abot-kayang bigas sa lahat ng Pilipino na bukod pa sa P29 program. Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, well-milled ang bigas na ibebenta sa “Rice-for-All” program na magkakahalaga ng P45, mas… Continue reading ‘Rice for All’ program, aarangkada na bukas

DA, inalis na ang temporary ban sa imported birds at poultry products mula sa Japan

Pinapayagan na ng Department of Agriculture ang pag-angkat ng manok at poultry products mula sa Japan. Ito’y matapos alisin ng DA ang ban sa importation ng wild at domestic birds kabilang ang mga produkto ng manok sa nasabing bansa dahil sa bird flu. Sa inilabas na kautusan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., maaari… Continue reading DA, inalis na ang temporary ban sa imported birds at poultry products mula sa Japan

Mahigit 1000 college students sa Visayas at Mindanao, nakinabang sa ‘Tara, Basa!’ ngayong taon

Kabuuang 1,625 college students mula sa iba’t ibang State Universities and Colleges (SUCs) at Local Government Universities sa Visayas at Mindanao ang nakinabang sa pinalawig na Tara, Basa! Tutoring program ng Department of Social Welfare and Development. Ito ang inihayag ng DSWD bilang pagtatapos ngayong taon ng 20-day tutoring sessions ng expanded Tara, Basa! Tutoring… Continue reading Mahigit 1000 college students sa Visayas at Mindanao, nakinabang sa ‘Tara, Basa!’ ngayong taon

“MCA” sa iba pang kaibigang bansa, palalawakin ng Pilipinas

Palalawakin ng Pilipinas ang isinasagawang “Maritime Cooperative Activity” o MCA kasama ang Estados Unidos, upang mapabilang Australia at Japan at iba pang mga kaibigang bansa. Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa 2 plus 2 Ministerial Conference kahapon kasama si Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, US Secretary… Continue reading “MCA” sa iba pang kaibigang bansa, palalawakin ng Pilipinas

2 Chinese na sangkot sa illigal recruitment, inaresto ng CIDG sa Mabalacat, Pampanga

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang Chinese national na sangkot umano sa Illegal recruitment at Human trafficking sa Mabalacat, Pampanga kahapon. Sa ulat ni CIDG Director Police Maj. General Leo Francisco kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, kinilala ang mga arestadong suspek na sina ayas “Tiago” at “Tian Zhu.”… Continue reading 2 Chinese na sangkot sa illigal recruitment, inaresto ng CIDG sa Mabalacat, Pampanga

Mga magsasakang apektado ng Bagyong Carina at Habagat, higit sa 46,000

Umakyat na sa 46,625 ang bilang ng mga magsasaka sa bansa na apektado ng matinding ulan at bahang dulot ng Bagyong Carina at Habagat, ayon yan sa Department of Agriculture. Sa pinakahuling bulletin ng DA, kabilang sa mga rehiyong nagtala ng pinsala ang mga ss:Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa,… Continue reading Mga magsasakang apektado ng Bagyong Carina at Habagat, higit sa 46,000

DHSUD at key shelter agencies, namahagi ng tulong sa mga apektado ng habagat sa NCR

Nagpaabot na rin ng tulong ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), katuwang ang key shelter agencies (KSAs), sa mga residente ng Metro Manila na naapektuhan ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina. Sa direktiba ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, pinangunahan nina DHSUD Undersecretaries Avelino Tolentino III at Randy Escolango, at Pag-IBIG… Continue reading DHSUD at key shelter agencies, namahagi ng tulong sa mga apektado ng habagat sa NCR

Relief ops ng Malabon LGU, nagpapatuloy para sa higit 29,000 residenteng apektado ng pagbaha

Patuloy na nakaagapay ang pamahalaang lokal ng Malabon sa mga residenteng apektado ng pagbaha dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina. Sa pinakahuling tala ng LGU, aabot na sa 5,808 na pamilya o higit 29,000 indibidwal ang nahatiran nito ng relief packs. Mayroon ding higit sa 1,800 na pamilyang nananatili sa evacuation centers ang… Continue reading Relief ops ng Malabon LGU, nagpapatuloy para sa higit 29,000 residenteng apektado ng pagbaha