Nadagdagan pa ang bilang ng mga inidbidwal na apektado ng pananalasa ng Habagat at Bagyong Carina sa bansa.
Batay sa huling tala ng DSWD, nasa 1.1 milyong pamilya o katumbas ng 3.6 milyong indibidwal ang apektado ng matinding ulan at baha.
Mula ito sa higit 3,500 brgys sa 11 na rehiyon sa bansa.
Nasa halos 16,000 pamilya pa ang nananatili sa evacuation centers o katumbas ng 62,000 indibidwal.
Kasunod nito, patuloy pa rin ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD sa mga rehiyong apektado ng habagat at Bagyong Carina.
As of 6am, aabot na sa P228.6-M halaga ng humanitarian assistance ang naihatid nito.
Mayroon na ring 943,749 family food packs ang naipaabot sa mga apektadong residente sa NCR, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol. | ulat ni Merry Ann Bastasa