Inatasan ngayon ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang Smart Communications na magsumite ng official report sa status ng compliance nito sa Republic Act No. 11934 o ang SIM Card Registration Law.
Ginawa ni CICC Executive Director Alexander K. Ramos ang direktiba kasunod ng mga napaulat na dumarami na namang unregistered SIM cards na ginagamit sa text scams at iba pang uri ng cybercrimes.
Ayon kay Ramos, ikinaalarma nito ang dumaraming reklamo mula sa publiko sa mga text messages na nagaalok ng loans, online gambling, cryptocurrency investments, at job offers mula sa nga unknown Smart issued numbers.
May iba pa nga aniyang unregistered SIM cards ang ginagamir para tumanggap ng online bank transaction messages.
Tiniyak naman ng CICC na nakikipagtulungan na ito sa National Telecommunications Commission (NTC) para agarang masolusyunan ang talamak na namang text scams sa kabila ng implementasyon ng SIM Card Law.
“It’s time for the government to get tough on these telcos,”
Kasunod nito, umapela ang CICC sa mga bimtima ng text scams na magsumbong sa Inter-Agency Response Center hotline 1326. | ulat ni Merry Ann Bastasa