Malaki ang pasasalamat ni Deputy Speaker at Cebu 5th District Rep. Duke Frasco sa pagsasakatuparan ng hangaring isulong ang pediatric healthcare sa probinsya ng Cebu.
Kasunod ito ng pagpapasinaya sa Liloan Children’s Hospital, isa sa mga itinulak na programa na naging ganap na batas noong June 2022.
Sabi ni Frasco, hindi lang ito magbibigay serbisyo sa probinsya ng Cebu ngunit sa kabuuan ng Visayas at maging sa Mindanao.
Kabilang sa mga serbisyo sa ospital ang specialized prenatal and pediatric care, emergency care facilities, general care and outpatient facilities, nutrition counseling, immunization, educational training for parenting, at health awareness programs.
Ipinunto pa ni Frasco ang mensahe ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na mahalagang i-decentralize ang specialty hospitals sa Luzon at madala rin ito sa Visayas at Mindanao.
“This hospital is a commitment to our children’s health and well-being. We are investing in our children’s health and, ultimately, in the future of our community. As we break ground today, we look forward to the day when this hospital opens its doors and begins its vital mission,” sabi ni Frasco. | ulat ni Kathleen Forbes