Sumampa na sa ₱44.69-billion ang kabuuang halaga ng mga iligal na drogang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon sa PDEA, nagmula ito sa higit 71,000 anti-drug operation nito mula July 1, 2022 hanggang katapusan ng Mayo.
Nangunguna rito ang nasabat na Shabu na umabot sa 5,813 kilo, 74.60 kilo ng Cocaine, higit 96,000 piraso ng Ecstasy at 3,907 kilo ng Marijuana.
Kaugnay nito, umabot na rin sa 97,445 ang mga naarestong drug personalities.
Samantala, nasa 28,825 na rin ang mga idineklarang drug-cleared na barangay sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa