Umabot na sa P200-M ang halaga ng tulong na naipagkaloob na ng Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Carina at ng Habagat.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, kabilang sa mga naipaglaloob ay mga food, non food items at financial assistance sa apektadong populasyon sa National Capital Region , Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, at Cordillera Administratice region.
Batay sa monitoring, nakapagtala na ang DSWD ng 1,892 nasirang bahay, kung saan 168 ang totally at 1,724 ang partially damaged.
Sa Bicol Region, nakapagpamahagi ang DSWD Field Office 5 ng cash aid sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa mga pamilya sa Sipocot, Camarines Sur na naapektuhan ng pagbaha.
Tatlong pamilyang may totally damaged houses ang tumanggap ng Php10,000 bawat isa, habang dalawang pamilyang may partially damaged houses ay nabigyan ng Php5,000 bawat isa. | ulat ni Rey Ferrer