Sineseryoso ng Armed Forces of the Philippines ang impormasyong binunyag ni Sen. Imee Marcos na nakaumang umano ang mga hypersonic missiles ng China sa Pilipinas.
Sa isang mensahe sa mga mamahayag, sinabi in AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na makikipag-ugnayan sila sa Senadora para makakuha ng detalye sa nasabing impormasyon.
Batay sa impormasyon, 25 areas umano ang potential na target ng hypersonic missile ng China dahil sa EDCA sites at sa nangyayari ngayon sa West Philippine Sea.
Tiniyak naman ni Padilla na sa oras na makumpirma ang impormasyon, gagawa ng kaukulang hakbang ang AFP para masiguro ang seguridad ng bansa.
Ang mga hypersonic missiles ay nakakalipad sa bilis na 5 beses ng “speed of sound” at mahirap ma-intercept. | ulat ni Leo Sarne