Pinasinungalingan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kumakalat na impormasyon sa social media.
Kaugnay ito sa pagbabawal sa publiko sa pagkain ng isda kasunod ng diumanoy pagtatapon ng medical waste sa karagatan partikular sa isang lalagyan o tubo mula sa isang ospital na may Human Immunodeficiency Virus (HIV).
Ayon sa BFAR, hindi totoo ang kumakalat na impormasyong ito.
Sa halip, pinayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at parating alamin ang pinagmulan ng impormasyon bago i-share ang anumang social media posts.| ulat ni Rey Ferrer