Muli na namang isinailalim sa yellow alert status ang Luzon Grid.
Ipinatupad ang yellow alert status ngayong alas-2 hanggang alas-4 ng hapon at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), itinataas ang yellow alert dahil hindi sapat ang reserba ng kuryente para maabot ang contingency requirement ng transmission grid.
Sa ngayon nasa 12,969 megawatts ang available capacity sa grid at 11,768 megawatts ang peak demand.
Paliwanag ng NGCP, nasa pitong planta ang nagpapatupad ng forced outage mula pa noong Enero hanggang Mayo 2024 at 10 power plants sa pagitan ng Hunyo hanggang Hulyo 2024.
Habang lima ang gumagana sa derated capacities para sa kabuuang 3,017.9MW na hindi magagamit sa grid.
Ang iba pang factors na nag-ambag sa pagtaas ng yellow alert ay ang pagpalya ng operasyon ng SUAL U2 kaninang umaga, pagbaba ng GNPD U2 bago magtanghali, at ang target na emergency shutdown kaninang ala-1 ng hapon.
Nasa normal na kondisyon naman ang Visayas at Mindanao Grids. | ulat Rey Ferrer